Histolohiya

(Idinirekta mula sa Histology)

Ang histolohiya (mula sa Griyego na ἱστός, lamuymoy, at -λογία, -logia) o palasihayanan[1] ay ang pag-aaral ng anatomiya ng mga selula at mga lamuymoy ng mga halaman at hayop sa pamamagitan ng mikroskopyo. Ito ay nagagawa sa pagsusuri ng isang maliit na kapiraso ng lamuynoy sa ilalim ng isang optical microscope o sa isang electron microscope. Ang kakayahan na maipakita o malaman ang pagkakaiba sa mga mikroskopikong mga estruktura ay madalas na pinagbubuti sa pamamagitan sa paggamit ng mga histolohikal na mantsa.

Isang minantsahang ispesimeng histolohiko sa mikroskopyo.

Ang Histopatolohiya ay isang mikroskopikong pag-aaral sa mga lamuymoy na may sakit, ay isang mahalagang kagamitan sa anatomikal patolohiya, sapagkat ang tamang pagsusuri ng kanser at iba pang mga sakit ay kadalasang nangangailangan ng eksaminasyong histopatolohikal ng mga samplo. Ang mga bihasang mga dokotr, kadalasan mga sertipikado ng Board bilang mga Patologo, ay ang mga katauhan na gumagawa ng histopalohikal na pagsusuri at nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa kanilang mga pagmamasid.

Ang mga bihasang mga sayantipiko a gumagawa ng mga preparasyon ng mga pangkatang histolohikal ay tawag na mga histotechnicians, histology technicians (HT), histology technologists (HTL), medical scientists, medical laboratory technicians, o biomedical scientists. Ang kanilang pag-aaral ay tinatawag na histoteknolohiya.

Kasayasayan

baguhin

Noong ika-19 na siglo, ang histolohiya ay isang disiplinang pang-akademiko sa sarili nito. Ang 1906 na Nobel Prize ng Pisiolohiya o Medisina ay naibigay sa mga histologong Camillo Golgi at Santiago Ramon y Cajal. Mayroong silang mga pagtatalong interpretasiyon sa estrukturang neural ng utak base sa mga iba't ibang mga interpretasiyon ng parehong mga litrato. Si Cajal ay nanalo sa patimpalak para sa kanyang tamang teorya at si Golgi para sa pamamaraang pamantsya na inimbento niya para maging posible ito.

Mga kaugnay na siyensiya

baguhin
  • Ang Cell Biology ay ang pag-aral ng mga buhay na selula, ang kanilang DNA at RNA at ang mga protinang kanilang nilalaman.
  • Ang Anatomiya ay ang pag-aaral ng mga organo na nakikita ng mga mata.
  • Ang Morpolohiya ay ang pag-aaral sa kabuuang mga organismo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino, 1969.

1. Merck Source (2002). Dorland's Medical Dictionary. Retrieved 2005-01-26.

2. Stedman's Medical Dictionaries (2005). Stedman's Online Medical Dictionary Naka-arkibo 2009-08-08 sa Wayback Machine.. Retrieved 2005-01-26.

3. 4,000 online histology images (2007). (http://histology-online.com)

Mga panlabas na kawing

baguhin