Si Honi HaMe'agel ay isang guro at manggagawa ng milagro na nabuhay noong unang siglo BCE. Ayon sa tradisyon, siya ay isang inapo Moises. Isa siyang kasapi Mga Essene na namuhay na may kabanalan at kilala sa kanyang mga ginawang milagro.[1]

Libingan ni Honi HaMe'agel sa Hatzor HaGlilit, Israel

Mga milagro

baguhin

Nang magkaroon ng tagtuyot na tumagal sa buong buwan ng Ada at bayan ay nagsumasamo ngunit walang nangyari. Ang mga mamamayan ay lumapit kay Onias upang magpaulan sa kanyang pagdarasal. Si Honi ay gumuhit ng isang bilog(at kaya ay tinawag mangguguhit ng bilog). Nilagay ni Honi ang kanyang sarili sa gitna ng bilog at nanalangin na magkaroon ng ulan. Agad na sinagot ang kanyang panalangin at ang ulan ay patuloy na dumagsa ng lubos at nagkaroon na naging mapanganib. Muling nanalangin si Honi na tumigil ang ulan at ang ulan ay tumigil sa sandaling iyon.

Nang si Honi ay naglalakad sa lansangan, nakita ang isang matandang lalake na nagtatanim ng puno ng Carob. Tinanong ni Honi ang lalake, "Paumanhin ginoo, ngunit gaano katagal bago magbunga ang punong ito?". Sumagot ang lalake na 70 taon. Tinanong ni Honi ang lalake, "Sa tingin mo ay mabubuhay ka pa ng 70 taon upang makain ang bunga nito?". Sumagot ang lalake, "Hindi. Ngunit naalala kong masayang kumakain ng bunga ng carob noong maliit pa ako na itinanim upang maging regalo sa mga kabataan. Gaya ng pagtatanim ng mga puno ng aking mga magulang at mga lolo at lola, kaya ay nagtatanim ako ng mga puno para sa aking mga anak at apo". Si Honi ay nagpasyang magpahinga at habang natutulog ang isang mga bato ay nabuo sa kanyang paligid at natulog ng 70 taon. Nang magising si Honi, napansin niya ang isang lalake na pumipitas ng bunga ng punong carob at tinanong ang lalake:"Itinanim mo ba ito?". Sumagot ang lalake, hindi po, ang lolo ko ang nagtanim nito noong 70 taon ang nakakalipas". Sinabi ni Honi, "Nakatulog ako ng 70 taon."[2]

Mga sanggunian

baguhin