Honorio Bartolome De Dios
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2014) |
Sinulat ang artikulong ito katulad ng isang pansariling kuro-kuro o sanaysay at kinakailangang linisin. Maaari kang tumulong para mapabuti ito sa pamamagitan ng pagbago nito sa isang istilong pang-ensiklopedya. |
Si Honorio Bartolome De Dios ay tubong Marilao Bulacan. Sa kanyang murang edad ay namulat na siya agad sa makulay at madilim, masaya at malungkot, magulo at mapag-isang mundo ng mga bakla. Nag-aral siya ng sociology sa Maynila at ‘di kalaunan ay nakilahok na sa mga gawaing pangmasa. Sampung taon din siyang napabilang sa development work. Ngunit hindi lang sa mga ito siya naging abala. Sa mabangis na lungsod ng Maynila, sinuyod din niya ang mga suloksulok ng kabaklaan upang hanapin ang kanyang natatanging lugar sa lipunan. Sa kanyang paghahanap ng sarili’y ilang beses din siyang napaluhod, nadapa, at napasubsob. Ngunit sa tuwina, bumabangon siya na may panibagong lakas at determinasyon. Sa ngayon patuloy pa rin ang kanyang paghahanap at ang pinagyayamang karanasan ang ginagamit niyang panulat upang lumikha ng mga kuwentong sumasalamin sa buhay ng mga bakla sa isang lipunang may kinikilingan, mapagsamantala, walang pagkakapantay-pantay, pyudal, at patriyarkal.
Sa kanyang kalipunan ng mga maiikling katha, seryoso si De Dios sa kanyang pagsisikap na ipahayag at ipaunawa sa lipunang heterosexual ang partikular na kalagayan ng mga Filipinong bakla. Sa bawat kuwento ay hindi lamang ang problema ng bakla sa sarili ang pinoproblema ng bawat tauhan: laging kaugnay ito ng lipunan na siyang kinalalagyan at kinakaharap ng problema. Ang Sa Labas ng Parlor ay kinatatampukan ng mga kuwentong tulad ng "Atseng," isang kuwento kung paanong naunawaan ng musmos na si Ato ang karahasan ng pinsang lalaki sa kanya at kay Atseng; "Lalaki," tungkol sa pag-aaklas laban sa patriyarkal na mundo sa isang karahasang maituturing na makatwirang paghihiganti; at "Geyluv," tungkol sa kung paano lakas-loob na inarok ng isang straight na lalaki ang pinakapusod ng katauhan ng isang bakla. Walang pag-aalinlangan na ang simpatiya ng awtor ay nasa tatag at ganda ng tagdang kinawawagaywayan ng bandila ng kabaklaan.
Mga Maikling Kuwento
baguhinEulohiya
baguhinBuod
baguhinHindi na alam ni Neil kung gaano karami ang nainom niya ng gabing iyon. Kinaumagahan, ni hindi na niya nakuhang mag-almusal. Habang nasa bus siya patungong Norte, naalala ni Neil ang lakad nila noon ni Billy patungong Laguna. Inihanda na ang lahat para sa misa ng paglilibing. Lumabas siya ng bahay dahil mainit. Sobrang mami-miss niya si Billy, at sa kanyang palagay mami-miss din ito ng kanyang mga kaopisina at kasama. Naalala niya ang kuwento ni Billy tungkol sa pagtulong nito kay Ka Anton. Habang naglalakad ang mga makikipaglibing sa maalikabok na kalsada, umaalingawngaw sa tenga ni Neil ang huling mga salita ng pari. Nang dahan-dahang pinapasok na ang kabaong sa nitso, naramdaman ni Neil na may biglang tumurok sa dibdib niya. Kanyang naalala ang mga naganap sa kwarto niya kagabi. Siya ay tumalikod sa puntod, lumakad paalis ng sementeryo. Sa wakas, wala ng kadena sa kanyang mga paa, sa wakas siya ay tunay nang malaya.
Mga Tauhan
baguhin- Neil - baklang inhinyerong natatakot ipakita ang buong pagkatao
- Billy - isang manunulat at matalik na kaibigan ni Neil na napatay nang mapagkamalang tulisan
- Ka Anton - radikal na magsasakang tinulungan ni Billy na gumaling mula sa sakit
- Andy - taong mahal ni Neil ngunit di masabihan dahil sa takot
- Ed- taong minahal ni Billy
Mga Paksa
baguhin- Diskriminasyon laban sa mga may ikatlong kasarian - ikinahihiya ng mga tao ang mga baklang gaya nila Billy at Neil, ipinagbabawal
din ang relasyon sa pagitan ng dalawang lalaki o babae
- kamatayan - ipinakita sa kuwento ang di katiyakan ng buhay at kasiguraduhan ng kamatayan.
- tipikal na burol dito sa Pilipinas - may mga nagdarasal, naglilitanya ang pari at marami pang iba
- mga tulisan o rebelde - tunay na may mga rebelde na nakatira kadalasan sa mga kabundukan
- importansiya ng pagpapakatotoo sa sarili - sa huli napagtanto ni Neil ang kahalagahan ng pagiging malaya at totoo sa mga bagay na makapagpapaligaya sa kanya.
Geyluv / gaylove
baguhinBuod
baguhinUnang nakilala ni MIke si Benjie sa media party ng kompanya nito. Pagkatapos ng proyekto nila sa Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa isa't isa. Mataray na uri ng bakla si Benjie, dahil ayaw na niyang masaktan pang muli. Ito rin ang dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. Sa panahong naging malapit si Mike kay Benjie, kakatapos lang nilang maghiwalay ni Mike at ng kaniyang kasintahang si Carmi. Madalas magkasama sina Mike at Benjie. Minsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng sine o kaya ay simpleng kumakain lang sa labas. Isang beses, habang nasa bar, sinabihan ni Benjie si Mike na mahal niya ito. Hindi sila halos nag-usap buong gabi pagkatapos noon. Naisipan nilang pareho na tumira magkasama sa apartment ni Benjie upang mas maintindihan kung ano ba talaga ang gusto nila mangyari sa relasyon.
Mga Tauhan
baguhin- Mike - isang mamamahayag ng diyaryo na napalapit ng husto kay Benjie
- Benjie - matalik na kaibigang bakla ni MIke na may natatagong pagtingin para sa kanya
- Joana - kaibigan at katrabaho ni Benjie na may gusto kay Mike
- Carmi - dating syota ni Mike
- Inay - nanay ni Benjie
Mga Paksa
baguhin- Pagkakaibigan - laging nariyan si Mike at Benjie para sa isa't isa lalo na sa panahong may suliranin ang isa sa kanila
- Patas na tingin sa tao - hindi naging hadlang Mike ang kasarian ni Benjie
- Karapatang sa pagmamahal - lahat ng tao ay may karapatang magmahal at mahalin
- Dalawang perspektibo ng kuwento- naipakita ang panig ng dalawang pangunahing tauhan ukol sa mga naganap na mga pangyayari sa kuwento
Sumpa ng Tag-araw
baguhinBuod
baguhinHabang nasa silyon, pinanonood ni Albert ang kalsada pati ang mga kababaryo niyang nagmula sa simbahan sa kabayanan o di kaya'y sa mga pabasa ng Mahal na Pasyon. Naalala niya ang bakasyon nila nina Bimbo at Art nang matapos sila ng elementarya. Pagkatapos gumradweyt ay nagpatuli sila sa tabing-ilog, kay Tata Andong. Nabanggit ni Alber kay Tata Andong ang pagkakatayo ng bagong subdibisyon sa Poblasyon. Sabi niya sa kanilang tatlo na iyon raw ang sumpa ng tagapangalaga ng buwan para sa mga taga-San Miguel at iba pang mga taon hindi maghahanda. Uupo sana sa silyon si Albert nang may naulinigan siyang tumatawag sa kanya, ngunit wala siyang nakita. Tinawag siya ng nanay niya upang kumain. Habang naghuhugas, muli nagsalita ang kanyang ina. "Patay na si Bimbo, ang kababata mo. Nalunod."
Tinuyo na ng tag-araw ang kanyang luha nang pinuntahan niya ang burol ni Bimbo. Pagkalabas ng ama ni Ka Celso, ang tatay ni BImbo, sa kwarto, naalala niya ang mga sinabi nito sa kanya ukol sa kanyang diko at ukol sa sobrang pagiging malapit niya kay BImbo. Hindi nagpadala sa talim ng tingin ni Ka Celso si Albert, binati pa rin niya ito, ngunit dinaan lang siya ng matanda.
Habang nakasakay sa kanilang bisikleta, napansin nina Albert at Art ang malaking pagbabago sa dating pasyalan nilang tatlo. Ang dating mga bukiran ay subdibisyon nang puno ng matataas na bahay at sementadong kalsada.
Mga Tauhan
baguhin- Albert - arkitekong kaibigan ni Bimbo
- Art - kaibigan nina Bimbo at Albert
- Bimbo - yumaong kaibigan nina Albert at Art
- Ka Andong - pinakamatandang manunuli sa baryo
- Ka Celso - tatay ni Bimbo
Mga Paksa
baguhin- Modernisasyon - patuloy na pagbabago tungo sa modernisasyon, tulad ng pagbabawas sa mga lupaing pansaka para mapagtayuan ng mga subdibisyon
- Mahal na araw - tipikal na mga gawain ng mga tao sa probinsiya tuwing Semana Santa.
- Tag-araw - mainit na panahon tuwing Semana Santa