Si Hortio Nelson, Unang Biskonde Nelson, na nakikilala rin bilang Bise Admiral Horatio Nelson o Biskondeng Nelson (29 Setyembre 1758 – 21 Oktubre 1805) ay isang opisyal ng militar ng Britanya na naging tanyag sa kaniyang paglilingkod sa Maharlikang Hukbong Pandagat, partikular na noong mga Digmaang Napoleoniko. Siya ay ipinanganak sa hindi masyadong mayaman na pamilya sa Norfolk, at sumama sa hukbong pandagat dahil sa impluwensiya ng kaniyang tiyo na si Maurice Suckling. Madaling tumaas ang kaniyang ranggo, at naglingkod na kasama ang mga nangungunang pinuno ng hukbong pandagat. Nanalo siya sa ilang labanan, kasama na ang Labanan sa Trafalgar kung saan siya ay namatay.

Si Bise Admiral Horatio Nelson.


TalambuhayUnited Kingdom Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.