Hortikultura
Ang hortikultura ay ang industriya at agham ng kultibasyon o paglilinang ng halaman na kabilang ang proseso ng paghahanda ng lupa para sa pagtatanim ng mga binhi o buto ng mga halaman, ng mga lamang-ugat o halamang-ugat, o mga putol ng halaman.[1] Nagsasagawa at nananaliksik ang mga hortikulturista sa loob ng mga disiplina ng propagasyon ng mga halaman at kultibasyon, produksiyon ng mga pananim, pagpapalahi ng mga halaman, at inhinyeriyang henetiko, at pisyolohiya ng halaman. Payak na kinasasangkutan ang gawain ng mga prutas, mga beri, mga mani, mga gulay, mga bulaklak, mga puno, mga palumpong, at mga damo o patungan ng damo. Nagsasagawa rin ang mga hortikulturista ng mga pagpapainam sa dami ng mga naaaning pananim, pati na kalidad, halagang pangnutrisyon, resistensiya mula sa mga kulisap, mga karamdaman, at ligalig sa mga ito na dulot ng kapaligiran. Tumutukoy din ang hortikultura sa paghahalamanan o paghahardin sa mas maliit na sukat o nasasakupan, habang ang agrikultura ay tumutukoy sa mas malakihang sukat o nasasakupan ng paglilinang o kultibasyon ng mga halaman o pananim.[2] Nagmula ang salitang hortikultura sa salitang Latin na hortus[3] na may kahulugang "halamanan" o "hardin", at cultus,[4] na may ibig sabihing "linangin".
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-27. Nakuha noong 2010-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.encyclopedia.com/topic/horticulture.aspx
- ↑ Greek and Latin roots in English (sa Ingles)
- ↑ http://www.answers.com/topic/culture
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.