Hudikatura sa Biyetnam

Ang nasa tuktok ng Hudikatura ng Biyetnam ay ang Kataas-taasang Hukuman ng Mamamayan ng Biyetnam-KHMB (Ingles: Supreme People’s Court of Vietnam o SPC), na pinakamataas na hukuman para sa apela at mga rebyung panghudikatura. Ito ay nag-uulat sa Pambansang Kapulungan ng Biyetnam, na kumokontrol sa salaping gugulin ng hudikatura at nagkokompirma sa mga nominado ng pangulo sa KHMB at Kataas-taasang Prokuratura ng Mamamayan ng Biyetnam-KPMP (Ingles: Supreme People’s Procuracy o SPP). Ang KPMP ang naglalabas ng mga tala ng pag-aresto. Sa ilalim ng KHMB ay ang mga hukuman ng mamamayan sa mga lalawigan at mga distrito, mga tribunal ng militar, at mga hukuman para sa administratibo, ekonomiya, at paggawa. Ang Kagawaran ng Pagtatangol ay mayroong mga tribunal ng militar, na mayroon mga alituntunin na katulad ng sa mga hukumang sibil. Ang mga mahistrado at mga katulong ng mahistrado ay pinipili ng Kagawaran ng Pagtatanggol at KHMB, subalit ang KHMB ay mayroong responsibilidad na matyagan ito. Kahit na itinatakda ng Saligang-batas ang pagkakaroon ng mga huradong independyente at mga katulungin ng hurado, ang Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos at pinapanatiling magkulang ang mga independyenteng mahistrado ang Biyetnam, maaaring dahilan ang pagpili ng mahistrado ng Partido Komunista ng Biyetnam ay dumadaan pa sa masusing pagsusuri sa abilidad pampolitika ng mga ito. Isa pa, ang partido ay naghahangad na maimpluwensiyahan ang mga kahihinatnan ng mga kaso na maituturing na banta sa posisyon ng partido. Sa pagnanais na maisulong ang pagiging independyente ng hustisya, inilipat ng pamahalaan ang mga korteng lokal mula sa Kagawaran ng Hustisya patungo sa KHMB noong Setyembre ng taong 2002. Ngunit ang Kagawaran ng Estado ay hindi man lamang ito nakitaan ng magpapatunay na nakamit nga dahil dito ang minimithi ng pamahalaan.

Mga Sanggunian

baguhin