Ang mga Huguenot ay ang pangalan ng mga Protestanteng Pranses noong ika-16 at ika-17 mga daangtaon, partikular na noong kalabanin nila ang mga Katolikong Pranses. Paminsan-minsan silang tinutukoy bilang mga Kalbinistang Pranses. Noong 1598, nabigyan sila ng kalayaan sa pananampalataya sa pamamagitan ng Kautusan o Edikto ni Nantes. Dahil sa kautusang ito, nagkaroon sila ng kapangyarihan, subalit nawala ang kanilang kapangyarihan sa politika pagkalipas ng digmaang naganap mula 1625 hanggang 1628, kung kailan tinugis sila ni Kardinal Richelieu. Nang tanggalin ni Louis XIV ang kanilang kalayaan sa relihiyon noong 1685, marami sa kanila ang lumikas mula sa Pransiya. Muli silang nagkaroon ng kalayaang pampananampalataya noong 1787 sa ilalim ng pamahalaan ni Louis XVI.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Huguenots". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index ng titik H, pahina 344.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo, Kasaysayan at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.