Humero
Mahabang buto sa itaas na braso
(Idinirekta mula sa Humerus)
- Huwag itong ikalito kay Homero, isang Griyegong manunula.
Ang humero o humerus (mula sa Latin: humerus, umerus o pang-itaas na bisig, balikat; Gotiko: ams o "balikat"; Griyego: ōmos) ay ang mahabang buto ng braso o pang-unahang sanga na nagmumula sa balikat hanggang sa siko.[1]
Sa anatomiya, ito ang nagdurugtong sa paypay o iskapula at sa radyus, at binubuo ng tatlong mga seksiyon:
- Pang-itaas na sanga ng humero - binubuo ng isang mabilog na ulo, isang makitid na leeg, at dalawang maiikling mga "proseso" o mga tuberosidad (mga usli o mga butong nakausli).
- Katawan ng humero - hugis silindriko ito sa pang-itaas na bahagi, at mas parang balimbing o tila prisma sa ibaba.
- Pang-ibabang sanga ng humero - binubuo ng isang may tapyas na kondilo (bilog na bugkol sa dulong sugpungan ng buto) na humuhugpong na kasama ang radyus.
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.