iPod
Ang iPod ay tatak ng mga nabibitbit na media player na ginawa at ipinagbibili ng Apple. Inilunsad ito noong 2001. Mga manunugtog ng tinig ang mga kagamitang sakop ng iPod, na idinisenyo sa palibot ng gulong na kliniklik sa gitna – bagaman mayroon ding mga butones ang iPod shuffle. Noong Oktubre 2005, binubuo ang hanay ng pang-limang henerasyong iPod, na may kakayahang magpalabas ng video, ang mas maliit na iPod nano, ang ang walang displey na iPod shuffle. Nilalagay ng iPod ang media sa isang hard drive sa loob nito, samantalang ginagamit ng mas maliit na iPod nano at iPod shuffle ang flash memory. Maaari ring magsilbing panlabas na imbakan ng datos ang iPod. Idineklara ng Apple ang iPhone noong Enero 2007, isang kagamitang nagsanib sa kakayahang magpalabas ng video sa iPod, kakayahan ng isang teleponong nabibitbit at mga kakayahang may kaugnayan sa Internet.
Ginagamit ang iTunes sa paglilipat ng mga awit sa mga kagamitan. Iniipon ng iTunes ang buong librerya ng musika sa kompyuter ng manggagamit at maaaring magpatugtog ng mga awit mula sa CD. Nililipat din nito ang mga larawan, video, laro at kalendaryo sa mga modelong suportado ang mga ito. Tampok rin dito ang iTunes Store, na maaaring pagbilhan ng mga kanta at pelikula na nais mong ilagay sa iyong iPod.
Nilagay ng Apple ang kanilang pokus sa pagpapaunlad ng natatanging user interface ng iPod at ng madaling paggamit nito. Noong Oktubre 2004, ito ang pinakamabiling hanay ng mga manunugtog ng awit at dahil sa maiinit na pagtangkilik ng mga iPod sa buong mundo, naging isa ito sa mga sikat na tatak ng konsumer. Ngunit, nagdulot sa kritisismo at mga kaso ang ilan sa mga piniling disenyo at mga aksiyon ng Apple.
Noong Lunes, Abril 9, 2007, idineklara ng Apple na humigit-kumulang sa 100,000 mga iPod ang ipinagbili sa mundo. Naging pinakamabiling manunugtog ng musika ang iPod at isa sa mga pinakamatagumpay na elektronikong kagamitan sa kasaysayan.
Lingks panlabas
baguhin- Apple iPod — Official website
- Identifying iPod models Naka-arkibo 2008-04-19 sa Wayback Machine.
- Apple's 21st century Walkman — Brent Schlender, Fortune, October 2001
- iPod Nation — Steven Levy, Newsweek, July 2004
- Behind the Music — Ken Aaron, Cornell Engineering, 2005
- The Perfect Thing — Steven Levy, Wired, November 2006