ISO 3166-1
pamantayang ISO para sa mga kodigong pambansa
Ang ISO 3166-1 ay isang pamantayang nagtatakda ng mga kodigo para sa mga pangalan ng mga bansa, mga teritoryong dependiyente, at mga espesyal na lugar na pinag-iinteresan sa heograpiya. Ito ang unang bahagi ng pamantayang ISO 3166 na inilathala ng Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan.
Binibigyang-kahulugan nito ang tatlong pangkat ng mga kodigong pambansa:[1]
- ISO 3166-1 alpha-2 – mga dalawang-titik na kodigong pambansa na pinakagamit sa mga pinakamataas na dominyo ng kodigong pambansa ng Internet (na may ilang mga pagbubukod).
- ISO 3166-1 alpha-3 – mga tatlong-titik na kodigong pambansa na mas madaling iugnay sa mga pangalan ng mga bansa kaysa sa mga kodigong alpha-2.
- ISO 3166-1 numeric – mga tatlong-dihitong kodigong pambansa na kapareho ng mga binuo at pinananatili ng Dibisyon ng Estadistika ng Mga Nagkakaisang Bansa, na lamang sa pagkawalang-dependensiya sa iisang sistema ng pagsulat, at kaya nakatutulong sa mga tao o sistemang gumagamit ng mga sulating di-Latin.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Country Codes – ISO 3166" [Mga Kodigong Pambansa – ISO 3166] (sa wikang Ingles). International Organization for Standardization (ISO). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-01-23. Nakuha noong 2018-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)