I Need U (kanta ng BTS)
Ang "I Need U" (naka-estilo sa lahat ay matataas na titik) (lit. na Kailangan Kita) ay isang kantang ni-record ng Timog Koreanong boy band na BTS bilang pangunahing single mula sa kanilang ikatlong extended play, The Most Beautiful Moment in Life, Part 1 (2015). Ang single ay inilabas ng Big Hit Entertainment noong 29 Abril 2015 sa Timog Korea. Ito ang una sa karera ng BTS na nakakuha sa kanila ng panalo sa isang palabas pangmusika sa telebisyon sa Timog Korea. Dalawang remix na bersiyon ng kanta ang kasunod na inilabas sa unang compilation album ng banda The Most Beautiful Moment in Life: Young Forever noong 2016. Noong Setyembre 2016, ang kanta ay nakapagbenta ng mahigit 800,000 digital download sa loob ng bansa. Noong Disyembre 2019, ang music video nito ay naging ika-14 ng BTS na lumampas sa 200 milyong panonood.
"I Need U" | |||||
---|---|---|---|---|---|
Single ni BTS | |||||
mula sa EP na The Most Beautiful Moment in Life, Pt. 1 | |||||
Wika | |||||
Nilabas |
| ||||
Nai-rekord | Timog Korea | ||||
Istudiyo |
| ||||
Tipo | |||||
Haba | 3:31 | ||||
Tatak | |||||
Manunulat ng awit |
| ||||
Prodyuser | Pdogg | ||||
BTS Koreano singles chronology | |||||
| |||||
|
|||||
Music video | |||||
"I Need U" sa YouTube "I Need U" (Original version) sa YouTube |
Ang isang Hapones na bersiyon ng kanta ay inilabas nang digital at nasa pisikal na format noong 8 Disyembre 2015 sa pamamagitan ng Pony Canyon sa Hapon. Ang pisikal na single ay sertipikadong ginto ng Recording Industry Association of Japan (RIAJ) noong buwan ding iyon para sa pagbebenta ng mahigit 100,000 kopya. Ang digital single ay nakatanggap ng sertipikadong pilak noong Hunyo 2021 para sa paglampas sa 30 milyong pag-stream.
Inihanay ng Billboard ang "I Need U" bilang ika-80 pinakadakilang kantang K-pop sa talaan nito ng 100 Pinakadakilang Kantang K-pop noong 2010s.
Music video
baguhinAng paglabas ng music video ay naunahan ng isang teaser clip na na-upload sa opisyal na channel sa YouTube ng Big Hit noong 23 Abril 2015.[1] Ang buong music video, kung saan ipinakita ng mga miyembro ng BTS ang "mga ligalig na kabataan...tumatakbo mula sa nakaraan", ay inilabas noong Abril 29.[2] Kalaunan ay ipinahayag na ang video ay ni-edit upang ibaba ang rating nito mula 19+ hanggang 15+ upang matugunan ang mga pamantayan ng rating ng Korea Media Rating Board.[3] Ang "I Need U" ay umabot ng isang milyong panonood sa loob ng 16 na oras—ang pinakamabilis na record para sa anumang BTS music video sa panahong iyon.[4] Noong 20 Nobyembre 2017, umabot sa 100 milyong view ang music video, na naging ikasampung video ng banda na nakaabot nito.[5] Nalampasan nito ang 200 milyong panonood noong 24 Disyembre 2019—ang ika-14 na music video ng banda na nakaabot nito, na naglagay sa posisyon bilang ang Koreanong artista na may pinakamaraming music video na lampas sa ganoong karaming panonood.[6]
Mga kredito at tauhan
baguhinMga kredito na hinango mula sa "I Need U" na regular na edisyon ng liner notes.<undefined />
- Pdogg – produksiyon, keyboard (Mga track 1–3), synthesizer (Track 1, 2), pagsasaayos ng rap (Mga track 1–3), pagsasaayos ng boses (Mga track 1–3), inhinyeriya ng recording (@ Dogg Bounce, Timog Korea)
- "hitman" bang – co-production
- Suga – keyboard (Track 3), synthesizer (Track 3), pagsasaayos ng rap (Track 3), pagsasaayos ng boses (Track 3)
- Jungkook – koro (Mga track 1–3)
- V – koro (Track 2)
- Slow Rabbit – tunog, pagsasaayos ng boses (Track 3), inhinyeriya ng recording (@ Carrot Express, Timog Korea)
- Changwon Yang – inhinyeriya ng musika
- Bosung Kim – inhinyeriya ng musika
- James F. Reynolds – inhinyeriya ng mix (@ Schmuzik Studios, Londres, Inglatera ) (Mga track 1 & 2)
- Bob Horn – inhinyeriya ng mix (@ Echo Bar Studio, North Hollywood, California ) (Track 3)
- Alex DeYoung – mastering (@ DeYoung Mastering, Los Angeles, California )
- KM-MARKIT – pagsulat ng kanta (mga lirikong Hapones)
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Sun, Mi Kyung (24 Abril 2015). 방탄소년단, 신곡 '아이 니드 유' 티저 공개..방황하는 청춘 [BTS, revealed 'I Need U’ teaser... lost youth]. Osen (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 24, 2019. Nakuha noong Agosto 24, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Danbi, Grace (Abril 24, 2015). "BTS Gets Sentimental in ′I Need U′ MV Teaser". Mwave. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 28, 2019. Nakuha noong Agosto 24, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Danbi Hong, Grace (Abril 30, 2015). "BTS′ ′I Need You′ MV Revealed to Have Been Edited to Fit 15+ Standards". Mwave. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 14, 2018. Nakuha noong Agosto 24, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kyung, Sun Mi (Mayo 1, 2015). "BTS 'I Need U' MV, achieved 1 million views in 16 hours after its release on YouTube". Osen (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 24, 2019. Nakuha noong Agosto 24, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Amid AMA buzz, BTS' 'I Need U' surpasses 100 million views". Kpop Herald. Nobyembre 20, 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 20, 2018. Nakuha noong Agosto 24, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim, Joo-won (Disyembre 24, 2019). 방탄소년단, 'I NEED U' MV 2억뷰 돌파..통산 14번째 韓 가수 최다 자체 경신. Seoul Economic Daily (sa wikang Koreano). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 13, 2021. Nakuha noong Mayo 13, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)