Si Ida Botti Scifoni (Roma, 1812 - Florence, 1844) ay isang pintor, iskultor at taga-disenyo na Italyano. Siya ay ikinasal kay Felice Scifoni, at naging guro at kaibigan ni Mathilde Bonaparte, pamangkin ni Napoleon. [1]

Ida Botti Scifoni Self-portrait

Buhay at kasal

baguhin

Si Ida Botti ay ipinanganak sa Roma noong Nobyembre 7, 1812. Siya ay lumaki sa isang pamilyang nasa gitnang klase at lumabas ang kaniyang angking galing sa murang edad pa lamang sa pagpipinta ng mga larawan, na maayos naman na tinanggap sa lipunan para sa isang babaeng pintor, ngunit naggpipinta din siya ng mga mas "panlalaki" na paksa ng kasaysayan at relihiyon.

Pinakasalan ni Ida si Felice Scifoni, isang notaryo, manunulat, at miyembro ng Carbonari, isang lihim na rebolusyonaryong panlipunan na nakatuon sa Pag-iisa ng Italya. Ang kanyang mga gawaing pampulitika ay humantong sa pag-aresto sa kanya at kasunod na pagpapatapon matapos ang Romagna Insurrection noong 1831. [2]


Namatay siya sa Florence noong Hunyo 13, 1844.

Paggunita

baguhin

Ipinamana ni Mathilde Bonaparte ang self-portrait ni Ida sa Uffizi Gallery (kalaunan ay inilipat ito sa Galleria d'Arte Moderna sa Palazzo Pitti ) at inatasan si Pietro Freccia na iukit ang monumento ng libing ni Ida sa Basilica di Santa Croce, sa Florence noong 1848. Noong 2011, ang self-portrait ni Botti Scifoni ay naibalik sa tulong ng kontribusyon ng Lions Club Firenze Michelangelo.

Mga Sanggunian

baguhin
  1. Grossoni, Donata (2013). Linda Falcone (pat.). Ida Botti Scifoni, The Painter and the Paintress, Santa Croce in Pink: Untold Stories of Women and their Monuments. Florence, italy: Artecelata.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Condemi, Simonella (2011). Il Restauro dell’Autoritratto di Ida Botti Schifoni: Appunti per una biografia. Livorno: Sillabe.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)