Idiyoma

Kumbinasyon ng mga salitang may patalinghagang kahulugan
(Idinirekta mula sa Idioma)

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Isa rin itong parirala o ekspresyon na tipikal na pinapakita ang patalinghaga, di-literal na kahulugan na nakakabit sa parirala; subalit may ilang parirala ang nagiging idiyomang patalinghaga habang pinapanatili ang literal na kahulugan ng parirala. Inuuri bilang wikang pormulado, ang patalinghagang kahulugan ng idiyoma ay iba mula sa literal na kahulugan.[1] Madalas nagkakaroon ng idiyoma sa lahat ng wika; sa Ingles pa lamang, mayroon nang tinatayang dalawampu't limang milyong ekspresong idiyomatiko.[2]

Halimbawa

  1. butas ang bulsa - walang pera
  2. ilaw ng tahanan - ina
  3. alog na ang baba - matanda na
  4. alimuom - baho
  5. bahag ang buntot - duwag
  6. ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan
  7. bukas ang palad - matulungin
  8. kapilas ng buhay - asawa
  9. nagbibilang ng poste - walang trabaho
  10. basag ang pula - luko-luko
  11. ibaon sa hukay - kalimutan
  12. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
  13. buwayang lubog - taksil sa kapwa
  14. pagpaging alimasag - walang laman
  15. tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli
  16. pantay na ang mga paa - patay na
  17. mapurol ang utak - mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip
  18. maitim ang budhi - tuso
  19. balat-sibuyas - mabilis masaktan o sensitibo
  20. pusong bakal - di marunong magpatawad, matigas na kalooban
  21. putok sa buho - ampon
  22. may bulsa sa balat - kuripot
  23. balat-kalabaw - matigas ang balat
  24. may gintong kutsara sa bibig- mula ipinanganak ay mayaman na
  25. kusang-palo - sariling sipag
  26. usad pagong - mabagal kumilos
  27. umuulan ng lalaki at babae - maraming lalaki at babae
  28. nakalutang sa ulap - masaya
  29. malaki ang ulo - mayabang
  30. itaga sa bato - ilagay sa isip
  31. ginintuang puso - mabuting kalooban
  32. takip-silim - malapit nang gumabi
  33. tulog langis - mahibing ang tulog
  34. tulog manok - matagal makagawa ng tulog / mabilis magising
  35. pagsunog sa kilay - pag-aaral ng mabuti
  36. saling pusa - nakikisali
  37. tengang kawali - nagbibingi-bingihan

Mga sanggunian

  1. The Oxford companion to the English language (1992:495f.) (sa Ingles)
  2. Jackendoff (1997). (sa Ingles)