Idiyoma
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Isa rin itong parirala o ekspresyon na tipikal na pinapakita ang patalinghaga, di-literal na kahulugan na nakakabit sa parirala; subalit may ilang parirala ang nagiging idiyomang patalinghaga habang pinapanatili ang literal na kahulugan ng parirala. Inuuri bilang wikang pormulado, ang patalinghagang kahulugan ng idiyoma ay iba mula sa literal na kahulugan.[1] Madalas nagkakaroon ng idiyoma sa lahat ng wika; sa Ingles pa lamang, mayroon nang tinatayang dalawampu't limang milyong ekspresong idiyomatiko.[2]
Halimbawa
- butas ang bulsa - walang pera
- ilaw ng tahanan - ina
- alog na ang baba - matanda na
- alimuom - baho
- bahag ang buntot - duwag
- ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan
- bukas ang palad - matulungin
- kapilas ng buhay - asawa
- nagbibilang ng poste - walang trabaho
- basag ang pula - luko-luko
- ibaon sa hukay - kalimutan
- taingang kawali - nagbibingi-bingihan
- buwayang lubog - taksil sa kapwa
- pagpaging alimasag - walang laman
- tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli
- pantay na ang mga paa - patay na
- mapurol ang utak - mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip
- maitim ang budhi - tuso
- balat-sibuyas - mabilis masaktan o sensitibo
- pusong bakal - di marunong magpatawad, matigas na kalooban
- putok sa buho - ampon
- may bulsa sa balat - kuripot
- balat-kalabaw - matigas ang balat
- may gintong kutsara sa bibig- mula ipinanganak ay mayaman na
- kusang-palo - sariling sipag
- usad pagong - mabagal kumilos
- umuulan ng lalaki at babae - maraming lalaki at babae
- nakalutang sa ulap - masaya
- malaki ang ulo - mayabang
- itaga sa bato - ilagay sa isip
- ginintuang puso - mabuting kalooban
- takip-silim - malapit nang gumabi
- tulog langis - mahibing ang tulog
- tulog manok - matagal makagawa ng tulog / mabilis magising
- pagsunog sa kilay - pag-aaral ng mabuti
- saling pusa - nakikisali
- tengang kawali - nagbibingi-bingihan