Ang igat ay isang uri ng maitim at maliit na isdang palos. Palos ang karaniwang katawagan sa uri ng malaking igat.[3] Ang mga igat ay mga isdang may mala-sinag na palikpik na kabilang sa orden na Anguilliformes, na binubuo ng walong suborden, 20 pamilya, 164 henera, at humigit-kumulang 1000 espesye.[4][5] Sumailalim ang mga igat sa medyo malaking paglaki mula sa maagang yugto ng larba hanggang sa huling yugto ng pang-adulto at kadalasan na mga mandaragit sila.

Mga igat
Temporal na saklaw: Senomaniyano–kasalukuyan[1]
Anguilla japonica
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Actinopterygii
Superorden: Elopomorpha
Orden: Anguilliformes
L. S. Berg, 1943
Tipo ng genus
Anguilla
Mga suborden
Protanguilloidei
Synaphobranchoidei
Muraenoidei
Chlopsoidei
Congroidei
Moringuoidei
Saccopharyngoidei
Anguilloidei
Palos (Malabanos)

Ginagamit din ang katawagang "igat" para sa iba pang ilang hugis-igat na isda, tulad ng mga igat eletriko (electric eels, genus Electrophorus), mga igat sa latian (orden Synbranchiformes), at mga matinik na igat sa kalaliman ng dagat (deep-sea spiny eels, pamilya Notacanthidae). Gayunpaman, ang iba pang klado na ito, maliban sa mga matinik na igat sa kalaliman ng dagat, na nasa orden na Notacanthiformes ay kapatid na klado sa totoong igat, na hiwalay ang kanilang ebolusyon na mala-igat na hugis mula sa mga tunay na igat. Bilang pangunahing tuntunin, nasa dagat ang karamihan sa mga igat. Ang mga eksepsiyon ay ang henerong katadromo na Anguilla at ang tubig-tabang na moray,[6] na gumugugol ng halos lahat ng kanilang buhay sa tubig-tabang, ang anadromong igat sa palayan, na nangingitlog sa tubig-tabang, at ang igat ahas sa tubig-tabang na Stictorhinus.[7]

Paglalarawan

baguhin
 
Ang konggriyong Europeo ay ang pinakamabigat sa lahat ng igat.

Ang igat ay pinahabang isda, mula 5 cm (2 pul) ang haba sa mga igat na may isang panga (Monognathus ahlstromi) hanggang 4 m (13 tal) sa mga payat na higanteng moray.[8] Ang mga nasa hustong gulang ay may timbang mula 30 g (1 oz) hanggang higit sa 25 kg (55 lb). Wala silang mga palikpik na pelbiko, at maraming espesye ang kulang din mga palikpik na pektoral. Pinagsama ang mga palikpik sa likod (dorsal) at puwitan (anal) sa palikpik na kaudal, na bumubuo ng isang laso na nakalagay sa kahabaan ng haba ng hayop. Lumalangoy ang mga igat sa pamamagitan ng paggawa ng mga alon na lumalakbay sa haba ng kanilang mga katawan. Maaari silang lumangoy nang paatras sa pamamagitan ng pagbaligtad sa direksyon ng alon.[9]

Nananirahan ang karamihan sa mga igat sa mababaw na tubig ng karagatan at nakabaon sa buhangin, putik, o sa gitna ng mga bato. Karamihan aktibo sa gabi ang mga espesye ng igat at sa gayon, bihirang makita. Minsan, nakikita silang magkakasamang nakatira sa mga butas o "hukay ng igat". Nabubuhay din ang ilang mga igat sa mas malalim na tubig sa mga kalapagang panlupalop at sa ibabaw ng mga dalisdis na may lalim na 4,000 m (13,000 tal). Ang mga kasapi lamang ng Anguilla ang regular na naninirahan sa sariwang tubig, subalit bumabalik din sa dagat upang magparami.[10]

Ang pinakamabigat na tunay na igat ay ang konggriyong Europeo (Conger conger). Naiulat ang pinakamataas na laki ng espesye na ito na umaabot sa haba ng 3 m (10 tal) at bigat na 110 kg (240 lb).[11] Ang iba pang mga igat ay mas mahaba, subalit hindi tumitimbang ng ganoong bigat, tulad ng payat na higanteng moray, na umaabot sa 4 m (13 tal).

Siklo ng buhay

baguhin

Nagsisimula ang buhay ng mga igat bilang sapad at aninawing larba, na tinatawag na leptocephali. Umaanod ang larba ng igat sa ibabaw ng tubig ng dagat, kumakain sa niyebeng marina, maliliit na partikula na lumulutang sa tubig. Nagbabagong-anyo (metamorphose) ang larbang igat sa naaninag na igat at nagiging mga munting palos o elver bago tuluyang hanapin ang kanilang mga tirahang pambata at pangmatanda.[8] Nananatili ang ilang mga indibiduwal na mga palos na anguillid sa maalat at dagat na mga lugar na malapit sa mga baybayin,[12] subalit pumapasok karamihan sa kanila sa tubig-tabang kung saan naglalakbay sila sa itaas ng agos at napipilitang umakyat sa mga sagabal, tulad ng mga weir o mababang dam, mga pader ng dam, at natural na mga talon.

 
Ikot ng buhay ng tipikal na igat (na katadromo)

 

Taksonomiya

baguhin

Ang pinakaunang posil ng igat ay kilala mula sa Huling Kretasiko (Senomanyiano) ng Lebanon. Napanatili ng mga sinaunang igat na ito ang mga katangiang primitibo tulad ng mga palikpik na pelbiko at sa gayon, mukhang hindi malapit na nauugnay sa anumang umiiral na mga takson. Hindi lumitaw sa mga posil ng katawan ng mga modernong igat hanggang noong Eoseno, bagaman ang mga otolito na naitatalaga sa umiiral na mga pamilya ng igat at maging ang ilang henera ay nakita sa Kampaniyano at Maastritstiyano, na nagpapahiwatig ng ilang antas ng pagkakaiba-iba sa mga umiiral na grupo bago ang pagkalipol noong panahong Kretasiko–Paleoheno, na kung saan, sinusuportahan din ng mga pagtatantya ng pagkakaibang pilohenetiko. Ang isa sa mga takson na otolito, ang Pythonichthys arkansasensis na naninirahan sa putik, ay lumilitaw na nabuhay pagkatapos ng pagkalipol noong panahong Kretasiko–Paleoheno, batay sa dami nito.[13][14][15]

Ang umiiral na mga takson

baguhin

Ang taksonomiya batay sa Nelson, Grande at Wilson noong 2016.[16]

  • Suborden Protanguilloidei
    • Pamilya Protanguillidae
  • Suborden Synaphobranchoidei
    • Pamilya Synaphobranchidae (igat na cutthroat e) [kabilang ang Dysommidae, Nettodaridae, at Simenchelyidae]
  • Suborden na Muraenoidei
    • Pamilya Heterenchelyidae (mga igat sa putik)
    • Pamilya Myrocongridae (manipis na mga igat)
    • Pamilya Muraenidae (mga igat na moray)
  • Suborden Chlopsoidei
    • Pamilya Chlopsidae (huwad na mga moray)
  • Suborden Congroidei
    • Pamilya Colocongridae (igat na may ulong parang palaka, mga igat na maikli ang buntot)
    • Pamilya Congridae (mga konggriyo) [kabilang ang Macrocephenchelyidae]
      • Subpamilya Heterocongrinae (mga igat sa hardin)
    • Pamilya Derichthyidae (mga igat na mahaba ang leeg) [kabilang ang Nessorhamphidae]
    • Pamilya Muraenesocidae (konggriyong patulis)
    • Pamilya Nettastomatidae (mga igat na na may parang tuka ng itik)
    • Pamilya Ophichthidae (mga igat na malaahas)
  • Suborden Moringuoidei
    • Pamilya Moringuidae (mga igat na mala-spaghetti)
  • Suborden Saccopharyngoidei
    • Pamilya Eurypharyngidae (mga igat na pelikano, mga gulper na may bungangang parang payong)
    • Pamilya Saccopharyngidae
    • Pamilya Monognathidae (mga gulper na isang bagang)
    • Pamilya Cyematidae (mga igat na bobtail snipe)
  • Suborden Anguilloidei
    • Pamilya Anguillidae (mga igat na tubig-tabang)
    • Pamilya Nemichthyidae (mga igat na snipe)
    • Pamilya Serrivomeridae (mga igat na may ngipin na parang lagari)

Piloheniya

baguhin

Ang Piloheniya batay kay Johnson et al. 2012.

Anguilliformes
Protanguilloidei

Protanguillidae



Synaphobranchoidei

Synaphobranchidae



Muraenoidei

Heterenchelyidae




Myrocongridae



Muraenidae  





Chlopsoidei

Chlopsidae



Congroidei

Derichthyidae




Nettastomatidae




Congridae  




Ophichthidae



Muraenesocidae







Moringuoidei

Moringuidae



Saccopharyngoidei


Eurypharyngidae



Saccopharyngidae  





Monognathidae



Cyematidae  




Anguilloidei

Nemichthyidae




Serrivomeridae



Anguillidae  












Mga takson na lipol na

baguhin
 
Ang Anguillavus, isa sa mga pinakaunang kilalang eel mula sa Apog ng Sannine

Batay sa Paleobiology Database:[17][18]

  • Henero † Abisaadia
  • Henero † Bolcanguilla
  • Henero † Eomuraena
  • Henero † Eomyrophis
  • Henero † Gazolapodus
  • Henero † Hayenchelys
  • Henero † Luenchelys
  • Henero † Mastygocercus
  • Henero † Micromyrus
  • Henero † Mylomyrus
  • Henero † Palaeomyrus
  • Henero † Parechelus
  • Henero † Proserrivomer
  • Pamilya † Anguillavide
  • Pamilya † Anguilloididae
  • Pamilya † Libanechelyidae
  • Pamilya † Milananguillidae
  • Pamilya † Paranguillidae
  • Pamilya † Patavichthyidae
  • Pamilya † Proteomyridae
  • Pamilya † Urenchelyidae

Mga espesyeng pangkomersyo

baguhin
Pangunahing espesyeng pangkomersyo
Karinawang pangalan Siyentipikong pangalan Pinakamahabang haba Karaniwang haba Pinakamabigat na bigat Pinakamatandang gulang Antas tropiko FishBase FAO ITIS Katayuang IUCN
Igat Amerikano Anguilla rostrata (Lesueur, 1817) 152 cm 50 cm 7.33 kg 43 taon 3.7 [19]  
Nanganganib☃☃
Igat Europeo Anguilla anguilla (Linnaeus, 1758) 150 cm 35 cm 6.6 kg 88 taon 3.5 [20]  

Kritikal na nanganganib
Igat Hapon Anguilla japonica Temminck & Schlegel, 1846 150 cm 40 cm 1.89 kg 3.6 [21]  
Nanganganib☃☃
Igat na may maikling palikpik Anguilla australis Richardson, 1841 130 cm 45 cm 7.48 kg 32 taon 4.1 [22]  

Malapit nang Mabantaan

Mga sanggunian

baguhin
  1. Froese, Rainer, at Daniel Pauly, mga pat. (2009). "Anguilliformes" sa FishBase. Enero 2009 na bersyon. (sa Ingles)
  2. Pl. 661 sa Garsault, F. A. P. de 1764. Les figures des plantes et animaux d'usage en medecine, décrits dans la Matiere Medicale de Mr. Geoffroy medecin, dessinés d'après nature par Mr. de Gasault, gravés par Mrs. Defehrt, Prevost, Duflos, Martinet &c. Niquet scrip. [5]. - pp. [1-4], index [1-20], Pl. 644–729. Paris. (sa Pranses)
  3. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  4. "WoRMS - World Register of Marine Species - Anguilliformes". www.marinespecies.org (sa wikang Ingles).
  5. "WoRMS - World Register of Marine Species - Saccopharyngiformes". www.marinespecies.org (sa wikang Ingles).
  6. Ebner, Brendan C.; Donaldson, James A.; Courtney, Robert; Fitzpatrick, Richard; Starrs, Danswell; Fletcher, Cameron S.; Seymour, Jamie (23 Setyembre 2019). "Averting danger under the bridge: video confirms that adult small-toothed morays tolerate salinity before and during tidal influx". Pacific Conservation Biology (sa wikang Ingles). 26 (2): 182–189. doi:10.1071/PC19023 – sa pamamagitan ni/ng www.publish.csiro.au.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Family OPHICHTHIDAE" (PDF) (sa wikang Ingles).
  8. 8.0 8.1 McCosker, John F. (1998). Paxton, J.R.; Eschmeyer, W.N. (mga pat.). Encyclopedia of Fishes (sa wikang Ingles). San Diego: Academic Press. pp. 86–90. ISBN 0-12-547665-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Long Jr, J. H., Shepherd, W., & Root, R. G. (Loot). Manueuverability and reversible propulsion: How eel-like fish swim forward and backward using travelling body waves". In: Proc. Special Session on Bio-Engineering Research Related to Autonomous Underwater Vehicles, 10th Int. Symp. (pp. 118–134). (sa Ingles)
  10. Prosek, James (2010). Eels: An Exploration (sa wikang Ingles). New York: HarperCollins. ISBN 978-0-06-056611-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Conger conger, European conger: fisheries, gamefish, aquarium. Fishbase.org (sa Ingles)
  12. Arai, Takaomi (1 Oktubre 2020). "Ecology and evolution of migration in the freshwater eels of the genus Anguilla Schrank, 1798". Heliyon (sa wikang Ingles). 6 (10): e05176. doi:10.1016/j.heliyon.2020.e05176. PMC 7553983. PMID 33083623.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Pfaff, Cathrin; Zorzin, Roberto; Kriwet, Jürgen (2016-08-11). "Evolution of the locomotory system in eels (Teleostei: Elopomorpha)". BMC Evolutionary Biology (sa wikang Ingles). 16 (1): 159. doi:10.1186/s12862-016-0728-7. ISSN 1471-2148. PMC 4981956. PMID 27514517.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Near, Thomas J; Thacker, Christine E (18 Abril 2024). "Phylogenetic classification of living and fossil ray-finned fishes (Actinopterygii)". Bulletin of the Peabody Museum of Natural History (sa wikang Ingles). 65. doi:10.3374/014.065.0101.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Schwarzhans, Werner W.; Jagt, John W. M. (2021-11-01). "Silicified otoliths from the Maastrichtian type area (Netherlands, Belgium) document early gadiform and perciform fishes during the Late Cretaceous, prior to the K/Pg boundary extinction event". Cretaceous Research (sa wikang Ingles). 127: 104921. doi:10.1016/j.cretres.2021.104921. ISSN 0195-6671.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Nelson, Joseph S.; Grande, Terry C.; Wilson, Mark V. H. (2016). Fishes of the World (sa wikang Ingles) (ika-ika-5 (na) edisyon). John Wiley & Sons. ISBN 9781118342336.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "PBDB". paleobiodb.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-02-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Pfaff, Cathrin; Zorzin, Roberto; Kriwet, Jürgen (2016-08-11). "Evolution of the locomotory system in eels (Teleostei: Elopomorpha)". BMC Evolutionary Biology (sa wikang Ingles). 16 (1): 159. doi:10.1186/s12862-016-0728-7. ISSN 1471-2148. PMC 4981956. PMID 27514517.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Anguilla rostrata" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
  20. Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Anguilla anguilla" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
  21. Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Anguilla japonica" sa FishBase. Bersyong Mayo 2012 (sa Ingles).
  22. Froese, Rainer at Pauly, Daniel, mga pat. (2012). "Anguilla australis" sa FishBase. Bersyong May 2012 (sa Ingles).