Ang Iguanodon (nangangahulugang "ngiping iguana") ay isang genus ng ornithopod na dinosauro noong Panahong Kretaseyoso. Nanirahan ito sa Europa, Hilagang Amerika, Aprika at Asya higit 125 milyong taon na ang nakalilipas[1]. Ang pananaliksik sa unang bahagi ng ika-21 siglo ay nagpahiwatig na mayroon lamang isang mahusay na napatunayang species; ang I. bernissartensis ng Belhika, Espanya, at posibleng sa ibang lugar sa Europa[2]. Ang Iguanodon ay malalaking hayop ngunit kumakain lamang ng mga halaman. Ang ilang mga natatanging tampok ay kinabibilangan ng isang mahabang matalas na kuko sa hinlalaki, posibleng ginagamit para sa pagtatanggol laban sa mga mandaragit, at isang mahabang ikalimang daliri na maaaring kumuha ng pagkain.

Iguanodon
Temporal na saklaw: Early Cretaceous, 126–125 Ma
Iguanodon bernissartensis
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klado: Dinosauria
Orden: Ornithischia
Suborden: Ornithopoda
Pamilya: Iguanodontidae
Sari: Iguanodon
Mantell, 1825
Tipo ng espesye
Iguanodon bernissartensis
Boulenger, 1881
Species

I. bernissartensis Boulenger, 1881
I. galvensis Verdú et al., 2015I. ottingeri? Galton & Jensen, 1979

Kasingkahulugan

Delapparentia turolensis Ruiz-Omeñaca, 2011
Iguanosaurus? Ritgen, 1828
Hikanodon? Keferstein, 1834

Mga sanggunian

baguhin
  1. Norman, David B. 2004. "Basal Iguanodontia". In Weishampel D.B., Dodson P., and Osmólska H. (eds) The Dinosauria. 2nd ed, Berkeley: University of California Press. pp413–437 ISBN 0-520-24209-2
  2. Carpenter, K.; Ishida, Y. (2010). "Early and "Middle" Cretaceous Iguanodonts in Time and Space". Journal of Iberian Geology. 36 (2): 145–164.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.