Ikaapat na Konsehong Budista
Sa panahon ng mga Ikaapat ng mga konsehong Budista, ang Budismo ay nagkahati na sa mga iba't ibang eskwela. Ang Theravada ay nagdaos ng Ikaapat na Konsehong Budista noong unang siglo BCE sa Tambapanni, i.e. Sri Lanka sa Aloka Lena ngayong Alu Vihara noong panahon ni Haring Vattagamani-Abaya. Gayunpaman, dapat liwanagin na ang isang hindi-kilalang lokal na hepe ang nagbigay ng pagtangkilik at hindi ang hari dahil siya ay isang tagasunod ng eskwelang Abayagir (isang sektang Mahayana). Ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagdadaos ng konsehong ito ang malupit na patakaran ng hari laban sa mga saserdoteng Mahavihara na mga Theravadian na minsang inatake sa mga premisa ng Mahavihara na pumatay ng marami at nagpatalsik sa iba pa. Ang templo ay winasak at sa lugar nito ay itinayo ang isang templong Mahayana. Ang ibang mga panguanahing dahilan ang mga hindi matatag na sitwasyon sa politika sa bansa sanhi ng mga patuloy na pananakop na nagtulak sa mismong hari na tumakas ng ilang beses at isang malalang taggutom. Sinasabing ito ay itinalaga sa pagsusulat ng buong kanon na Pali na nakaraang iningatan sa memorya. Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.