Ilog Yukon

(Idinirekta mula sa Ilog ng Yukon)
62°35′55″N 164°48′00″W / 62.59861°N 164.80000°W / 62.59861; -164.80000

Ang Ilog Yukon (Ingles: Yukon River) ay isang pangunahing daanan ng tubig sa hilagang-kanluran ng Hilagang Amerika. Mahigit sa kalahati ng ilog ang nakahimlay sa estado ng Estados Unidos na Alaska, na ang karamihan sa iba pang mga porsyon ay nakalatag sa Teritoryong Yukon ng Canada, kaya't ito ang pinagmulan ng pangalan ng teritoryong ito, at may maliit na bahagi ng ilog na malapit sa pinagmulang nakalagay sa Britanikong Kolumbiya. May haba na 3,185 km (1,980 mi)[3] ang ilog at bumubuhos patungo sa Dagat Bering sa Delta ng Yukon-Kuskokwim. Pangkaraniwang daloy nito ang 6,430 m³/s (227,000 ft³/s).[4] 832,700 km² (321,500 mi²),[5] ang kabuoang area ng pagpapatulo o pagpapaagos nito na nasa Canada. Sa paghahambing, mahigit na 25% ang laki ng kabuoang area nito kaysa Texas o Alberta.

Ilog Yukon
River
Isang tanawin ng Ilog Yukon malapit sa Dawson City, Yukon
Mga bansa Estados Unidos, Canada
Estado Alaska
Source Llewellyn Glacier at Atlin Lake
 - location Atlin District, British Columbia, Canada
 - coordinates 59°10′N 133°50′W / 59.167°N 133.833°W / 59.167; -133.833
Bibig Bering Sea
 - location Wade Hampton, Alaska, United States
 - elevation m (0 ft)
 - coordinates 62°35′55″N 164°48′00″W / 62.59861°N 164.80000°W / 62.59861; -164.80000
Haba 1,980 mi (3,187 km)
Lunas (basin) 330,000 sq mi (854,696 km²)
Discharge
 - average 227,000 cu ft/s (6,428 m3/s)
[1][2]

Bilang pinakamalaking ilog sa Alaska at sa Teritoryong Yukon, ito ang dating isa sa pinakapangunahing pamamaraan ng transportasyon noong Dagsa ng Ginto sa Klondike mula 1896 hanggang 1903. Nagpatuloy na ginagamit ang mga bangkang pang-ilog na pinauusad ng mga gulong na sagwan magpahanggang dekada ng 1950, nang mabuo ang Punong Lansangan ng Klondike.

May ibig sabihing "malaking ilog" o "dakilang ilog" ang Yukon sa wikang Gwich'in. Dating tinawag na Kwiguk, o "malaking batis" ang ilog sa wikang Yupik. Dating pangalan ng pang-itaas na daanan ng Yukon ang Ilog Lewes, mula sa Lawa ng Marsh hanggang sa salapong (tagpuan ng dalawang ilog) ng Ilog Pelly sa Kuta ng Selkirk.

Dating nagkaroon ng kasaysayan ng polusyon ang Ilog Yukon dahil sa pagmimina ng ginto, mga instalasyong militar, mga pagtatapon ng basura, maruming tubig, at iba pang mga pinanggagalingan ng dumi. Subalit hindi itinatala ng Ahensiya ng Proteksiyong Pangkapaligiran ng Estados Unidos ang Ilog Yukon bilang kasama sa huminang mga rehiyon na pinanggagalingan ng tubig na dumadaloy patungo sa ibang tubigan,[6] at ang dato ukol sa kalidad ng tubig mula sa Pagsusuring Heolohiko ng Estados Unidos (USGS) ang nagpapakitang may mabuting mga antas ng kalabuan (o kalinawan), mga metal, at natunaw na oksiheno.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Brabets, Timothy P; Wang, Bronwen; Meade, Robert H. (2000). "Environmental and Hydrologic Overview of the Yukon River Basin, Alaska and Canada" (PDF). United States Geological Survey. Nakuha noong 5 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. "Yukon River". Encyclopædia Britannica Online. Nakuha noong 6 Marso 2010.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Britannica Online Encyclopedia sa Yukoninfo.com Naka-arkibo 2013-10-24 sa Wayback Machine.
  4. Brabets, et al, 2000 Environmental and Hydrologic Overview of the Yukon River Basin, Alaska and Canada, pahina 56.
  5. Brabets, et al, 2000 Environmental and Hydrologic Overview of the Yukon River Basin, Alaska and Canada, pahina 48.
  6. AK National Assessment Database | WATERS | US EPA[patay na link]
  7. Halimbawa ng kalidad ng tubig mula sa USGS