Imperyalismo

Paaran ng pamamahala ng isa o higit pang bansa
(Idinirekta mula sa Imperialismo)

Ang Imperyalismo ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga bansang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang makalikha ng isang mas malaking imperyo.

Mga teritoryong bahagi pa o dating naging bahagi ng Imperyo ng Britanya.

Isang halimbawa ng imperyalismo ay ang kung kailang nilulusob at sinasakop ng mga bansa o naninirahan sa mga lupain sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga kolonya.

Mga anyo ng imperyalismo

baguhin
  • Kolonya - Isang bansa o rehiyong nasakop ng isang mangongolonya.
  • Kolonyalismo- isang tuwirang pananakop sa isang bansa upang mapagsamantalahan ang yaman nito ng isang mangongolonya.
  • Ekonomiko - Isang nagsasarili o malaya ngunit hindi pa gaanong maunlad na bansang pinamamahalaan ng mga pribadong kumpanya na may kanaisang pangnegosyo, sa halip na ibang mga pamahalaan.
  • Sphere of Influence - Isang panlabas na kapangyarihan ang umaangkin ng mga pribilehiyong pampamuhunan at pangangalakal.
  • Protektorado - Isang rehiyon na may sariling pamahalaan subalit nasa ilalim ng kontrol ng isang panlabas na kapangyarihan.

Paglalarawan

baguhin

Ayon sa Dictionary of Human Geography, ang imperyalismo ay "ang pagawa at/o pagpapanatili ng isang hindi pantay na ugnayang pangkabuhayan, pangkalinangan, at pangteritoryo, na karaniwang nasa pagitan ng mga estado at kadalasang nasa anyo ng isang imperyo, batay sa dominasyon at subordinasyon." Ang imperyalismo ng huling 500 mga taon, na nilalarawan ng nasa itaas na akda ay pangunahing isang pangkanluraning gawain na gumagamit ng "mga sistemang ekspansiyonista - merkantilismo at komunista sa paglaon."[1] Ang mga dominyo o nasasakupang pangheograpiya ay kinasamahan ng Imperyong Aleman, ng Imperyong Monggol, ng Imperyong Romano, ng Imperyong Ottomano, ng Banal na Imperyong Romano, ng Imperyong Portuges, ng Imperyong Kastila, ng Imperyong Olandes, ng Imperyong Persa, ng Imperyong Kolonyal ng Pransiya,[2] ng Imperyong Amerikano, ng Imperyong Ruso,[3] ng Imperyong Sobyet,[4][5] ng Imperyong Intsik, at ng Imperyong Britaniko,[6] subalit ang kataga o termino ay maaaring gamitin din para sa mga dominyo o nasasaklawan ng kaalaman, mga paniniwala, mga pagpapahalaga, at kadalubhasaan o kahusayan, katulad ng mga imperyo ng Kristiyanismo (tingnan ang sangka-Kristiyanuhan)[7] o Islam (tingnan ang Kalipado).[8] Ang imperyalismo ay pangkaraniwang awtokratiko, at minsan ding monolitiko (iyong may malaki at hindi nagbabagong kayarian na hindi nagpapahintulot ng pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal)[9] bilang katangian. Maaari itong parang kaaya-aya katulad ng sa Canada, o talamak ng karahasan katulad ng sa Malayang Estado ng Konggo.[10]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Johnston, Ronald John (2000). The Dictionary of Human Geography (ika-4 na edisyon). Wiley-Blackwell. p. 375. ISBN 0631205616.
  2. Ottoman Empire, French Empire, Encyclopedia of the Orient[patay na link]
  3. The Empire that was Russia, Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos
  4. Beissinger, Mark R. 2006 "Soviet Empire as 'Family Resemblance,'" Slavic Review, 65 (2) 294-303; Dave, Bhavna. 2007 Kazakhstan: Ethnicity, language and power. Abingdon, New York:french fry Routledge.
  5. Foreign Affairs, Vol. 32, No. 1, Oct., 1953 - Soviet Colonialism In Central Asia by Sir Olaf Caroe
  6. The British Empire
  7. "John B Cobb, Christianity and Empire,". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-27. Nakuha noong 2011-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Islam Empire of Faith
  9. John Rees, Imperialism: globalization, the state and war Naka-arkibo 2011-12-19 sa Wayback Machine., International Socialism Journal 93, Winter 2001
  10. "J.F. Gjersø, The Congo Free State – A Latifundium of Terror 16/04/2010". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-30. Nakuha noong 2011-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)