Insesto

(Idinirekta mula sa Incest)

Ang insesto[1] (Ingles: incest) ay isang sekswal na gawain sa pagitan ng magkapamilya o malapit na kamag-anak. Karaniwang kabilang dito ang sekswal na gawain sa pagitan ng dalawang tao na magkadugo, at kung minsan ay sa pagitan ng magkarelasyon dahil sa pagkakataon; halimbawa ay magkasama sa bahay, magkarelasyon dahil sa kasal o inampon, o sa mga magkakasama sa isang angkan o lipi. Ang teknikal na kahulugan nito ay ang pagtatalik ng dalawang tao na napakalapit ng pagiging magkamag-anak upang maikasal, katulad ng sa pagitan ng isang magulang at ng isang anak); o ang krimen ng kohabitasyon o kalakal na sekswal sa pagitan ng dalawang tao na magkamag-anak o magkaugnayan sa loob ng mga antas kung saan ang pagpapakasal ay ipinagbabawal ng batas.[2]

Ang pakikiapid sa kamag-anak ay isa sa mga pinakalaganap sa mga taboo na pangkultura, mapangayon o sinaunang lipunan man. Karamihan sa mga lipunan ngayon ay may mga batas ukol sa pakikiapid sa kamag-anak o mga limitasyon ukol sa mga kasal sa pagitan ng dalawang magkadugo na tao. Ayon naman sa iba ay ito ay isang krimen na walang biktima. Ang pakikiapid sa kamag-anak para sa ibang kultura ay kasama rin ang mga magkapatid dahil sa ama, ina, o sa pag-ampon. Ang malalayong kamaganak (pinsan, kamag-anak sa ama/ina) ay iba-iba rin ang tingin sa mga kultura, mula sa katanggap-tanggap hangang sa pinagbabawal. Ang mga anak na bunga ng ganitong klase ng relasyon ay tinitignan na hindi lehitimo, hanggang ngayon. Ang mga magulang ng mga bata na ito ay madalas na wala ding magawa, sapagkat ang kasal din mismo nila ay madalas na ipinagbabawal.

Ang isa sa mga argumento laban sa pakikiapid sa kamag-anak ay ang epekto ng inbreeding (paloob na paglalahi, o pakikipagtalik sa isang taong may kapareho o kaugnay na gene) sa pagitan ng dalawang magkalapit na tao base sa kanilang mga gene. Mas malaki ang tsansa ng mga anak ng magkadugong magulang na magkaroon ng malubhang sakit, kapansanan o umabot sa pagkamatay dahil sa inbreeding. Maaari ding mangyari ito kapag hindi alam nang dalawang taong nagtalik na magkaugnay sila sa dugo, katulad na lamang sa kaswal na pagtatalik, artificial insemination, surrogacy o sa pag-ampon. Sa kabilang dako, karamihan ng mga limitasyon sa pakikiapid sa kamag-anak ay umaabot sa mga pinagbabawal na malalapit na relasyon ayon sa kaugnayan. Masasabi na ang taboo sa incest ay hindi lang sa inbreeding kundi sa pagtatalik sa pagitan ng magkaugnay na tao, kadugo man o hindi. Kasama na rito ang mga taong magkaugnay na nagtatalik dahil hindi sila pwede magkaanak o dahil gumagamit sila ng kontrasepsyon.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "insesto, incest". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Definition of incest, English to English, English to Tagalog, depinisyon.com