Si Ernst Ingmar Bergman ([ˈɪŋmar ˈbærjman]  ( pakinggan); 14 Hulyo 1918 – 30 Hulyo 2007) ay isang Suwekong direktor,[4] manunulat, at prodyuser ng pelikula, teatro at telebisyon. Ang kanyang maimpluhong katawan ng mga gawa ay madalas na tumutuon sa mga tema ng mapanglaw o malungkot na kalagayan at kawalan ng pag-asa, pati na komedya at pag-asa, sa kanyang pangsinemang panggagalugad ng kalagayang pantao. Nilarawan siya ni Woody Allen bilang "maaaring pinakamahusay na artista ng pelikula, na tinutukoy ang lahat ng mga bagay-bagay, magmula noong maimbento ang kamera na panggumagalaw na larawan". Si Bergman ang kinikilala bilang isa sa pinakamaraming nagawa at pinakamaimpluwensiyang mga artista sa lahat ng kapanahunan.[5] Subalit, sa kabila ng mga papuring ito, hindi nagkaroon ng mas malalaking kitang salapi o bilang ng tagapagtangkilik na mga tao.

Ingmar Bergman
Kapanganakan14 Hulyo 1918[1]
  • (Uppsala Municipality, Uppsala County, Suwesya)
Kamatayan30 Hulyo 2007[1]
  • (Gotland Municipality, Gotland County, Suwesya)
MamamayanSuwesya
Trabahodirektor ng pelikula,[2] direktor sa teatro, screenwriter,[2] mandudula, artista, prodyuser ng pelikula, awtobiyograpo, filmmaker, direktor[3]
KinakasamaLiv Ullmann
Pirma

Naging direktor siya ng 60 mga pelikula at mga dokumentaryo para sa paglalabas sa mga sinehan at para sa telebisyon. Siya ang sumulat sa karamihan ng mga ito. Naging direktor din siya ng mahigit sa 170 mga dula. Kabilang sa kanyang pangkat ng mga aktor sina Liv Ullmann, Bibi Andersson, Erland Josephson at Max von Sydow. Karamihan sa kanyang mga pelikula ang itinakda sa mga tanawin ng Suwesya, na ang pangunahing mga paksa ay kamatayan, karamdaman, pagkakanulo, at kabaliwan.

Naging masigla sa kanyang larangan si Bergman nang mahigit sa anim na mga dekada, subalit labis na nanganib ang kanyang karera noong 1976 nang suspindihin niya ang isang bilang ng nakabinbing mga produksiyon, isinara niya ang kanyang mga estudyo, at nagpunta sa Alemanya upang manatili roon sa loob ng walong mga taon pagkaraan ng isang hindi kapanipaniwala at mapanirang imbestigasyong kriminal para sa akusasyon ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis para sa kinikitang salapi.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 https://brockhaus.de/ecs/julex/article/bergman-ingmar; hinango: 9 Oktubre 2017.
  2. 2.0 2.1 https://id.lib.harvard.edu/alma/99156570869503941/catalog; hinango: 27 Abril 2023.
  3. https://cs.isabart.org/person/26814; hinango: 1 Abril 2021.
  4. "Ingmar Bergman". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik B, pahina 510.
  5. Rothstein, Mervyn (30 Hulyo 2007). "Ingmar Bergman, Famed Director, Dies at 89". New York Times. Nakuha noong 2007-07-31.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)