Inhinyeriyang may halaga

Ang value engineering (salitang Ingles; literal sa Tagalog: inhinyeriyang may halaga) ay ang sistematikong pamamaraan ng pag-angat ng halaga ng mga kagamitan o produkto at serbisyo ayon sa pagsusuri ng gamit. Ang halaga, ayon sa katuturan, ay ang rasyo ng gamit sa gastos. Ang halaga ay maaring tumaas sa pamamagitan ng pag-angat ng gamit o pagbawas ng gastos. Ito ang pangunahing prinsipyo ng inhinyeriyang panghalaga na ang pangunahing gamit ay maipreserba at hindi mabawasan kapalit ng pag-aayos ng halaga.[1]

Ang pangangatwiran sa likod ng inhinyeriyang panghalaga ay: kung inaasahan ng mga marketer na ang isang produkto ay maluluma sa loob ng tiyak na oras, maaring nilang disenyuhan ito upang tumagal sa loob ng tiyak na oras na iyan. Ang mga produkto ay maaring gamitan ng mas dekalidad na bahagi pero sa inhinyeriyang panghalaga, ito ay hindi puwede dahil magdadala ito ng dagdag gastos sa tagapaggawa at maaring itaas ang gastos ng mamimili. Babawasan ng inhinyeriyang panghalaga ang mga gastos na ito. Ang kompanya ay karaniwang gumagamit ng mga murang bahagi na kayang tumagal ayon sa buhay ng produkto.

Dahil sa sobrang ikli ng buhay na siyang kadalasang resulta ng ganitong pamamaraan sa Inhinyeriyang panghalaga, ang planadong pagluma ay nauugnay sa pagkasira ng produkto at mababang kalida. Ayon kay Vance Packard, ang ganitong paraan ang nagbigay ng masamang pangalan sa inhinyeriya dahil ang malikhaing enerhiyang pang-inhinyeriya ay napupunta patungo sa pakinabang ng panandaliang kalakalan. Binatikos ng mga pilosopo kagaya nina Herbert Marcuse at Jacque Fresco ang implikasyon ng ganitong modelo sa ekonomiya at komunidad. 

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Value Methodology Standard" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2009-03-19. Nakuha noong 2015-08-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)