Inhinyerong konstruksyon

Ang inhinyeriyong konstruksyon ay isang propesyonal na disiplina na tumatalakay sa pagdidisenyo, pagplaplano, konstruksyon at sa pagpapamahala ng imprastraktura, tulad ng mga kalsada, tulay, paliparan, riles ng tren, gusali, dam at iba pang mga pampublikong serbisyo. Ang mga inhinyeriyong ito ay namumukod-tangi, dahil sila ay pinaghalong disiplina ng inhinyeriyang sibil at tagapamahalang pangkonstruksyon. Natututunan ng mga inhinyerong pangkonstruksyon ang aspeto ng pagdidisenyo, tulad ng mga inhinyeryong sibil, at ang pagpapamahala ng lugar/ lokasyong konstruksyon, tulad naman sa mga tagapamahalang pangkonstruksyon.

Ang Paliparan ng Berlin Brandenburg, isang halimbawa ng di-mabuting pagplaplano at pagsasagawa ng konstruksyon.[1]

Ang pangunahing pinagkaibasa pagitan ng inhinyerong pangkonstruksyon at ng tagapamahalang pangkontsruksyon ay ang pagkakaroon ng propesyonal na inhinyerong lisensya na kung saan ang inhinyerong pangkonstruksyon lamang ang pwedeng magkaroon ng propesyonal na lisensya ng inhinyeriya. Sa antas ng edukasyon, ang mga tagapamahalang pangkonstruksyon ay hindi nakatuon sa pagdidisenyo, hindi gaya ng sa pamamaraang pangkonstruksyon at pagpapamahala ng mga tao. Ang pangunahing layunin nila ay sa pagsasagawa ng proyekto sa tamang panahong, na nasa badyet at sa nagustohang/natitipuang kalidad.

Ang pinagkaibahan ng inhinyerong pangkonstruksyon at inhinyerong sibil ay sa antas ng edukasyon lamang, parehas silang mabigyang pagkakataon para sa pagsusulit ng propesyonal na lisensya ng inhinyeriya na binibigyan sila ng parehong titulo. Ang mga mag-aaral ng inhinyeriyang sibil ay mas nakatutok sa gawaing pagdidisenyo, na naghahanda sa kanila upang maging propesyonal sa pagdidisenyo. Kadalasan na kailangang-kailangan na kumuha ng maraming kurso sa pagdidisenyo. Ang mga mag-aaral ng inhinyeriyong pangkonstruksyon ay kumukuha ng parehas na mga kurso sa pagdidisenyo at sa pagpapamahalang pangkonstruksyon. Ito ay nakakatulong sa kanila sa tungkulin ng pagdidisenyo at ng mga kinakailangan sa paggawa ng gusali at pagbubuo ng mga imprastraktura para sa panahon ngayon.

Mga sanggunian

baguhin