Inhinyerong pantiyak ng kalidad

Mga prinsipyo at kasanayan sa pagtitiyak at pagkontrol ng kalidad ng produkto at serbisyo

Ang inhinyerong pantiyak ng kalidad, inhinyerong pangseguro ng kataasan ng uri o inhinyerong pangkalidad (Ingles: quality engineering, quality assurance engineering) ng produkto ay ang mga inhinyerong nananagot sa pagtitiyak na ang sari-saring mga produktong inilalabas mula sa isang ahensiya, organisasyon, o kompanyang nagmamanupaktura o nagpapaunlad ay epektibo at walang mga depekto o mga suliranin o kamaliang sa pag-andar. Pangunahing trabaho ng mga inhinyero ng kalidad ang pagsisiyasat hinggil sa katumpakan o pagganap ng isang produkto. Kasama rito ang pagtunton ng ugat ng problema at pagtatama ng suliraning ito. Sinusubok nila ang produkto sa pamamagitan ng pagsasailalim nito sa sari-saring mga kalagayang pangtrabaho o panggawain, ayon sa imungkahing paraan ng paggamit o hindi inaasahang paraan ng paggamit ng produkto. Ginagawa rin nila ang pagtitiyak na ang impormasyong ibinibigay hinggil sa produkto, partikular na ang nauukol sa mga programang pangsopwer ng kompyuter. Mahalaga ang trabaho ng inhinyerong pantiyak ng kataasan ng uri ng isang produkto sa mga pananagutan at iba pang paksang pambatas na may kaugnayan sa kompanyang gumagawa ng produkto. Ayon sa mga pagsubok na kanilang ginagawa, nagbibigay ng feedback o tugon ang inhinyerong pantiyak ng kalidad hinggil sa mga aspeto ng pagkamaginhawang gamitin o hindi ng produkto, at nakapagbibigay sila ng mga ideya sa mga dapat na ilapat na mga pagbabago at pagpapainam ng produkto.[1]

Ang inhinyerong pantiyak ng kalidad ay maaaring kabahagi ng isang kagawaran ng pagtiyak sa kalidad ng produkto sa loob ng isang kompanya, partikular na sa kompanyang gumagawa ng mga sopwer na pangkompyuter at pagpapaunlad ng World Wide Web. Kung kaya't ang ganitong mga inhinyerong pantiyak ng kalidad ay nagsisilbing "tulay" sa pagitan ng panghuling tagagamit o ang tagakonsumo ng produkto at ng mga tagapagprograma ng kompyuter.[2]

Mga sanggunian

baguhin