Infrared

(Idinirekta mula sa Inprared)

Ang infrared (pinapaiksi bilang IR[1] Espanyol: infrarroja[* 1]) ay isang uri ng radyasyong elektromagnetiko (isang alon o daluyong na may kuryente). Ang daluyong ay mas mahaba kaysa liwanag na nakikita ng mga tao at mas maiksi kaysa sa mga mikro-alon (microwave). Ang salitang infrared ay nangangahulugang nasa ilalim ng pula. Nagmula ito sa salitang Latin na infra (may ibig sabihing nasa ilalim) at ng salitang Ingles na red o kulay "pula". (Ang liwanag na infrared ay may prekwensiya o dalas na nasa ibaba o nasa ilalim ng prekwensiya ng pulang liwanag.) Ang pulang liwanag ang may pinakamahabang liboyhaba o "haba ng alon" na nakikita ng mga tao. Hindi nakikita ng mata ang mga alon na infrared. Ang daluyong na infrared ay nasa pagitan ng 750 nm at 1 mm. Nararamdaman ng mga tao ang infrared bilang init. Karamihan sa mga pangmalayuang pantaban o remote control ay gumagamit ng infrared upang makapagpadala ng mga signal na pangkontrol.

Larawan ng aso na nasa gitnang-inprared.

Telekomunikasyon

baguhin

Bago naimbento ang Bluetooth, ilan sa mga kompyuter, personal digital assistant, at teleponong mobil ay gumagamit ng teknolohiyang infrared upang makapagpadala ng mga talaksan papunta sa ibang mga aparato. Pumalit ang Bluetooth sa infrared noong kaagahan ng dekada 2000. Hinahanggahan ang infrared ng pangangailangang ang mga aparato ay kapwa nasa "linya ng paningin" ng bawat isa.[2]

Ang mga leyser (laser) ay ginagamit upang makapagbigay ng liwanag na para sa mga sistema ng komunikasyong may hiblang optikal (pibrang optikal). Ang liwanag na infrared na may liboyhabang nasa bandang 1,330 nm (pinakamababang pagkalat o pinakakaunting dispersyon) o 1,550 nm (pinakamahusay na transmisyon) ang pinakamahusay na pili para sa pampamantayang mga hiblang silika.

Ispektroskopiya

baguhin

Ang ispektroskopiyang infrared (partikular na ang ispektroskopiyang bibrasyunal [may pagyanig] na infrared) (ispektroskopiyang IR) ay maaaring gamitin upang makilala ang mga molekula sa pamamagitan ng paglilista ng kanilang mga kabuklurang kimikal (chemical bond). Ang ispektrometrong IR ay isang makinang nagsisinag ng liwanag na infrared magmula sa isang itinakdang sakop ng mga prekwensiya sa ibabaw ng isang halimbawa (sampol). Sinusukat nito kung aling mga prekwensiya ng liwanag ang nasisipsip ng halimbawa.

Bawat isang kabuklurang kimikal sa loob ng isang molekula ay yumayanig na nasa dalas na katangian ng kabuklurang iyon. Ang isang pangakat ng mga atomo sa loob ng isang molekula ay maaaring may pangmaramihang mga moda o asta ng oskilasyon na sanhi ng pabanat o pabaluktot na mga mosyon o galaw ng pangkat bilang isang kabuuan. Kung ang isang oskilasyon ay humantong papunta sa isang pagbabago sa dipolong nasa loob ng molekula, sisipsipin nito ang isang poton na mayroon katulad na prekwensiya. Ang mga prekwensiyang bibrasyonal ng karamihang sa mga molekula ay tumutugma sa mga prekwensiya ng liwanag na infrared. Tipikal na ang teknik ay ginagamit sa pag-aaral ng mga kumpwestong organiko na ginagamit ang radyasyong magmula sa 4000–400 cm−1, ang panggitnang infrared. Inirerekord na ispektrometro ang lahat ng mga prekwensiya ng absorpsyon sa loob ng isang halimbawa. Maaari itong gamitin upang makakuha ng impormasyon hinggil sa kumposisyon ng halimbawa ayon sa mga pangkat na kimikal na naroroon at pati na ang kadalisayan o puridad nito (halimbawa na ang isang basang halimbawa ay magpapakita ng malawak na pagsipsip ng O-H sa paligid 3200 cm−1).

Talababa

baguhin
  1. maaring baybayin sa Tagalog na impraroho

Mga sanggunian

baguhin
  1. McCreary, Jeremy (Oktubre 30, 2004). "Infrared Thermometer (IR) basics for non-contact temperature measurement". Digital Infrared For What It's Worth. Nakuha noong 2006-11-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bedell, Doug (2002-08-29). "Electronics unplugged - Bluetooth radio technology becoming reality in cellphones, printers, PDAs, headsets ..." (NewsBank). The Dallas Morning News. p. 3D. Nakuha noong 2010-12-13.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)