Instrumentong kahoy-hangin
Ang mga instrumentong kahoy-hangin o instrumentong hinihipan na yari sa kahoy (Ingles: woodwind instrument) ay mga instrumentong pangtugtog na hinihipan. Nakalilikha ang mga ito ng tunog kapag hinipan ng tagatugtog ang isang matangos o matalim na nguso o sa pamamagitan ng isang tambo, bansi, o bangkuwang (tinatawag na reed sa Ingles), na nagdudulot ng panginginig o pagkalog ng hangin na sa loob ng resonador (pang-alingawngaw, pantaginting, panghaginghing, o pandagundong; karaniwang isang kolumna o pababang hanay ng hangin). Karamihan sa mga instrumentong ito ang gawa sa kahoy, subalit maaari ring yari sa iba pang mga materyal, katulad ng metal o mga plastik.
Mga instrumentong kahoy-hangin
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.