Interval signal
Ang interval signal (literal sa Tagalog: agwat sa hudyat) ay isang katangian ng tunog o pariralang pangmusika na ginagamit sa pang-internasyonal na pagsasahimpapawid, mga numero ng istasyon ng radyo, at ng ilang mga domestikong pagsasahimpapawid, na pinapatugtog bago magsimula o tuwing may pahinga sa paghahatid, ngunit kadalasan sa pagitan ng mga programa sa iba't ibang wika. Naghahatid ito ng maraming mga layunin:
- Tumutulong ito sa isang tagapakinig upang mai-pihit ang kanyang radyo sa tamang prekuwensiya ng istasyon. Ito ay dahil ang karamihan sa mga mas matanda at mas murang mga tagapagtanggap ng radyo ay walang digital frequency readout.
- Ipinapaalam sa iba pang mga istasyon na ginagamit ang prekuwensiya.
- Ito ay nagsisilbing isang paraan para makilala ang istasyon kahit na ang wikang ginamit sa kasunod na pagsasahimpapawid ay hindi ang nauunawaan ng nakikinig.
Ang pagsasanay ay nagsimula sa Europa noong dekada 1920 at dekada 1930 at dinala sa mga pagsasahimpapawid ng shortwave. Ang paggamit ng mga interval signal ay bumaba noong dumating ang mga digital tuning system, ngunit hindi nawala. Ang mga interval signal ay hindi kinakailangan sa mga komersyal na himpilan ng radyo sa Estados Unidos, kung saan ginamit ang mga jingle o kililing bilang pagkakakilanlan.
Tala ng mga interval signal ayon sa himpilan
baguhin- Philippines:
- Far East Broadcasting Company: "Lord Jesus to Save Sinners".
- Radio Veritas Asia: "O via, vita, veritas".