Isis King
Isis King (Ipinanganak bilang Darrell Walls noong Oktubre 1, 1985)[1] ay isang Amerikanong fashion model at fashion designer. Siya ay kalahok sa eleventh cycle at seventeenth cycle ng reality T.V. show na America's Next Top Model. Siya ang kaunaunahang trans woman na sumali sa nasabing palabas, at naging isa sa mga pinakalantad na transgender sa balat ng telebisyon.[2]
Talambuhay
baguhinSi King ay nagmula sa Prince Georges County, Maryland, at kasalukayang nakatira sa New York City. Siya ay pinanganak na lalaki ngunit kanyang inilahad na siya ay ipinanganak na babae sa pag-iisip at sa lahat ng aspeto.[3] Inihayag niya na maaari siyang tukuyin ng mga tao bilang "transgender" or "transsexual", ngunit mas gusto niya ang kasabihang "ipinanganak sa maling katawan".[3]
Nang nasa mataas na paaralan si King , siya ay lumantad na bakla. Ngunit, pakiramdam niya ay hindi pa rin ito angkop para sa kanyang paglalagay sa lugar.[4]
Taong 2007, siya ay lumabas sa MSNBC special na pinamagatang Born in the Wrong Body, kung saan dokumentado ang mga buhay ng mga transgender na tinedyer sa Estados Unidos.[5] Siya ay nagsimulang mag-hormone replacement therapy noong 2007, bilang parte ng kanyang pagbabago patungo sa pagiging babae.[6] Ninais niyang sumailalim sa sex reassignment surgery sa lalong madaling panahon.[7]
Karera
baguhinSi King ay nagkamit ng associate degree sa Art Institute of Philadelphia.[6] Nang nasa kolehiyo, ang kanyang mga disenyo ay nagwagi ng 2005 award for Best Woman's Evening Wear.[kailangan ng sanggunian]
Siya ay naging runway model sa loob ng pitong taon bago sumali sa America's Next Top Model. Kabilang sa kanyang mga karanasan ay ang kanyang paglahok sa underground ball culture scene. Sa isang pampromosyon na panayam para sa ANTM, inilahad niya na kanyang minimithi ang pagrampa sa runway. Matapos ang kanyang pakikipagtunggali ay rumampa siya sa Amore Fashion Show, Howard University Fashion Show, Colors Fall/Winter 2009–10 Line, Secret Society, and Images Fashion Show (kung saan siya ay tumanggap ng gantimpala).[kailangan ng sanggunian]
Nagtrabaho rin siya bilang resepsyonista sa isang hair salon, at bilang program assistant para sa isang organisasyong walang kita.[8]
America's Next Top Model
baguhinSi King ay naninirahan sa Ali Forney Transitional Living Program nang malaman niya ang nalalapit na photo shoot ng tenth cycle ng America's Next Top Model.[9] Kaugnay sa tema ng shoot, na isyu sa mga kabataang walang ganap na tirahan, mga babaeng tunay na walang tahanan ang kinailangan bilang background models. Hinikayat sila sa pamamagitan ng Reciprocity Foundation, na tumutulong sa mga walang sariling bahay at kabataan magkaroon ng karera sa "creativity economy".[kailangan ng sanggunian]
Tinanong niya ang ANTM art director Jay Manuel kung maaari ba siyang tanggapin bilang babaeng ipinanganak sa maling katawan kung sakali mang siya ay mag-audition sa paligsahan.[9] Matapos ang shoot, ang host at producer na si Tyra Banks ay ipinahanap si King upang engganyuhin siyang sumubok dahil sa kanyang kahusayan sa ginanap na photo shoot. Siya ay naging isa sa labing-apat na finalists para sa eleventh cycle ng ANTM.[7][10] Siya ay naging ikasampu.
Siya ay kabilang sa Cycle 17 ng America's Next Top Model—mas kilala bilang ang "All-Stars Cycle"—kasama ng ibang labintatlong nagsipagbalik na kalahok mula sa mga nakaraang cycle. Siya ay natanggal sa ikatlong linggo ng paligsahan. Isis' Top Model All-Stars profile Naka-arkibo 2011-11-23 sa Wayback Machine.
Pagkatapos ng ANTM
baguhinSi King ay lumabas sa The Tyra Banks Show nang dalawang beses. Sa kanyang unang pagdalo ay ibinahagi niya ang kanyang buhay, kasama ang kapwa katimpalak na si Clark Gilmer. Siya ay sinurpresa ni Banks at ipinakilala siya kay Marci Bowers, kapwa trans woman at top gender reassignment surgeon, na nag-alok sakanya ng libreng operasyon.[11] Base sa pahina ng Facebook ni King, ang siruhiya ay naganap noong Pebrero 27, 2009.[kailangan ng sanggunian] Ang resulta ng operasyon ay nabunyag sa kanyang pangalawang pagdalo sa Tyra Banks Show. Ang kanyang pagiging babae pati na sa katawan ay nakumpleto. Siya rin ay lumabas sa Larry King Live noong Hulyo 25, 2009.[12] Ibinalitang siya ay kalahok sa 'All Star' cycle ng America's Next Top Model, na pinalabas September 14, 2011.
Si King ay nasa Us Weekly (Setyembre 2008), sa Seventeen magazine (Disyembre 2008/Enero 2009), Out magazine, Mallard International magazine, at sa pabalat ng Spring 2010 Swerv magazine.[kailangan ng sanggunian] Nagkaroon din siya ng mga test shots na naging dahilan sa kanyang paglabas sa The Tyra Banks Show.
Sa kasalukuyan, siya ay walang kontrata sa kahit anong modeling agency, ngunit siya ay nagtatrabaho bilang freelance fashion model.
Epekto sa Kultura
baguhinSi King ay isa sa mga rumaraming transgender na tao at mga tauhan sa telebisyon at pelikula, at ang kanyang pagkakasali sa ANTM ay tinawag na "hindi pa nangyayaring pagkakataon" ni Neil Giuliano, pangulo ng Gay & Lesbian Alliance Against Defamation.[13] Sa kanyang pakikipagtimpalak sa ANTM, nakaagaw ng pansin ang isyu sa gender transitioning at gender expression.[14][15] Binansagan ng New York magazine si King ng cause célèbre ng Cycle 11. Kinumpara rin ang kanyang transsexualism sa mga isyu ng dating mga kalahok tulad ng Cycle 9 Heather Kuzmich's Asperger syndrome.[16] Ipinahayag ng ANTM executive producer, Ken Mok, na ang pagkakasali ni King ay bilang suporta sa "redefin[ing] what beauty is," na isa sa mga orihinal na misyon ni Banks para sa programa.[17]
Dahil sa ipinapalabas ang pagsasamasama ng mga kalahok sa iisang bubong habang sila ay nasa paligsahan, sinabi ng tagapagsalita ng GLAAD na si Damon Romine, na "the show deals head on with the contestants confronting their own phobias. There's going to be support, and the reverse of that. It opens the door for the other girls and the viewers to get to know Isis and the transgender community." Ilan sa mga katunggali ni King ay nagpakita ng prejudices sa kanilang palagay kung gaano kababa ang magiging pagtanggap sa kanyang transisyon sa kanikanilang mga komunidad o sa southern United States.[7] Ang kanyang mga katunggali ay tinutukoy siya bilang "he/she" at "drag queen".[18] Ilan sa kanyang mga paraan ng pagtransisyon ay makikita sa programa, tulad ng kanyang hormone injections at sunud-sunod na pagkahilo.[19]
Ang New York magazine ay kinilala si King na isa sa iilang transgender na modelo sa kasaysayan na sikat sa publiko. Kinumpara siya kay Teri Toye, dating club kid Amanda Lepore, at ang gender-bending club promoter at modelo André J.[20] Si Simon Doonan, creative director ng Barneys New York, ay naghayag sa ABC News na tamang panahon na para sa isang transgender supermodel: "Maybe it's time for a tranny [sic] to end up on the cover of Vogue."[17]
Tignan din
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ http://antm.wikia.com/wiki/Isis_King
- ↑ "Isis King from 'America's Next Top Model'". Washington Post. Oktubre 3, 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1
"The Cut: Transgender 'America's Next Top Model' Contestant Speaks, Works It". New York magazine. Agosto 13, 2008. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Thomas, Natalie (Setyembre 15, 2008). ""I've Always Felt Like I Was Different": One New Hopeful From 'America's Next Top Model' was Born a Man. Now Isis King Tells Her Story To 'Us'". Us Magazine. p. 72. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 4, 2011. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Johnson, Chris (Agosto 13, 2008). "Isis to bring it to the judges' panel on America's Next Top Model". Human Rights Campaign. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 18, 2008. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Thomas, Natalie (Setyembre 15, 2008). ""I've Always Felt Like I Was Different": One New Hopeful From 'America's Next Top Model' was Born a Man. Now Isis King Tells Her Story To 'Us'". Us Magazine. p. 73. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 24, 2011. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2
"The Notorious Fierce Fourteen". America's Next Top Model. Panahon 11. Episode 1. Setyembre 3, 2008.
{{cite episode}}
: Unknown parameter|episodelink=
ignored (|episode-link=
suggested) (tulong); Unknown parameter|serieslink=
ignored (|series-link=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cycle 11 - Cast: Isis". CWTV. Agosto 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 28, 2010. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 "America's Next Top Model Transgender Contestant: "This Is Who I Am"". Us Magazine. Setyembre 3, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 9, 2008. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hinds, Paulene (September 9, 2008). "War Of The Supermodels". Reality TV Magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 7, 2012. Nakuha noong September 10, 2008.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Video Promo 4062". Tyra Banks Show.
- ↑ http://crushable.com/entertainment/isis-king-on-larry-king-live/ Naka-arkibo 2012-07-13 at Archive.is Isis on LKL
- ↑
""Next Top Model" brings transgender in from cold". Reuters. Setyembre 3, 2008. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Fox News Addresses Isis King, Angers GLAAD". New York magazine. Agosto 15, 2008. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pivirotto, Alyssa (September 5, 2008). "Major twist revealed on America's Next Top Model". ABC 15. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 10, 2008. Nakuha noong September 10, 2008.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑
Brown, Lane; Jessica Coen, Nick Catucci (Setyembre 2, 2008). "'ANTM' Takes Lovelies Closer to Fame, in Hollywood". New York (magazine). Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1
Rocchio, Christopher (Agosto 22, 2008). "'Top Model' producer: Transgender model to help "redefine" beauty". Reality TV World. Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Top Model Inauguration". America's Next Top Model. Panahon 11. Episode 2. Setyembre 3, 2008.
{{cite episode}}
: Unknown parameter|episodelink=
ignored (|episode-link=
suggested) (tulong); Unknown parameter|serieslink=
ignored (|series-link=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"The Ladder of Model Success". America's Next Top Model. Panahon 11. Episode 3. Setyembre 10, 2008.
{{cite episode}}
: Unknown parameter|episodelink=
ignored (|episode-link=
suggested) (tulong); Unknown parameter|serieslink=
ignored (|series-link=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Odell, Amy (Agosto 14, 2008). "Tranny Models Who Made History". New York (magazine). Nakuha noong Setyembre 10, 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
External links
baguhin- Profile page Naka-arkibo 2010-03-28 sa Wayback Machine. on America's Next Top Model
- Isis King on Facebook
- Isis' Interview with Adam Benjamin Irby on AdamIrby.com
- [1]