Islam Bibi
Si Islam Bibi (1974–2013) ay isang dating Afghan police lieutenant sa probinsya ng Helmand.
Kanyang buhay
baguhinSi Islam ay ipinanganak probinsya ng Kunduz noong 1974.[1] Siya ay naging isang refugee sa Iran noong 1990s. Matapos nito, si Bibi ay nagbalik upang maging isang opisyal ng pulisya laban sa Taliban.[2] Ang kanyang pamilya ay kontra sa kanyang trabaho at ang kanyang kapatid na lalaki ay sinubukan siyang patayin nang tatlong beses.[3] Ikinasal siya at nagkaroon ng anim na anak (4 na lalaki at 2 babae).
Siya ay sumapi sa pwersa ng pulisya noong2005 at nahirang second lieutenant, at lumaon ay nagtrabaho sa ilalim ng pamamalakad ng CID—isang kahanga-hangang bagay dahil hindi siya nagkamit ng edukasyon simula ng siya ay 10 gulang na. Nag-umpisa siyang makatanggap ng mga tawag sa telepono na may pagbanta sa kanyang buhay. Hindi nakilala ang mga tumatawag sa kanya ay siya ay sinasabihan ng: "Huwag ka nang magtrabaho. Ginagalugad mo ang aming tahanan, ang aming komunidad. Hindi ka man namin napatay pero gagawin namin iyan saiyo."
Si Islam Bibi ay binaril umaga ng 3 Hulyo 2013. Sa araw na siya ay pinatay, si Bibi ay tumawag sa kanyang opisina upang humingi ng seguridad habang patungo rito. Noong siya ay pinayuhan na humanap ng sariling paraan upang makarating sa opisina, ang kanyang bayaw, na isa ring opisyal ng polisya, dumating upang siya ay sunduin gamit ang isang motorsiklo patungo sa trabaho. Siya ay binaril 50 metros mula sa kanyang bahay. Ang kanyang bayaw ay nasugatan rin sa pag-atake.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ rahman, bahram- (Hulyo 13, 2013). "Afghanistan's indifference to murder of top female officer: Islam Bibi". natoassociation.ca (sa wikang Ingles). NATO Association of Canada (NAOC). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 27, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Female Police Officers Helmand and Kandahar ANP". afghan-bios (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 27, 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Helmand's most senior policewoman: 'My brother tried to kill me three times'". telegraph.co.uk (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hulyo 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ amnesty international. THEIR LIVES ON THE LINE WOMEN HUMAN RIGHTS DEFENDERS UNDER ATTACK IN AFGHANISTAN (PDF) (Ulat). amnesty.org. p. 38. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-03-08. Nakuha noong 2020-03-11.
{{cite report}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Tingnan rin
baguhinWalang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |