Ispermatorea
Ang spermatorrhea o ispermatorea ay ang kusang paglabas ng tamod (semen). Pangkaraniwan itong nagaganap sa anyo ng panggabing pulandit o pagbuga (emisyong nokturnal), subalit maaari ring mangyari pagkaraan ng mikturisyon o pag-ihi (panunubig) o kaya kapag nadudumi (tumatae o "gumagalaw ang bituka"). Kung minsan, hindi naman tamod ang umaagos kundi isang magatas na likido mula sa ibang mga glandula. Kung sa ibang glandula nagmumula ang nadiskargang pluwido, tinatawag itong urethrorrhea. Kung nagmumula ang pagdidiskarga mula sa glandulang prostata, tinatawag ang kalagayan bilang prostatorrhea o prostatorea.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Spermatorrhea". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 668.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.