Ang Itim ay isang nakaaantalang pelikula sa direksiyon ni Mike De Leon noong 1976. Sa katotohanan, ang pelikula ay unang pagsubok ng larangan ng direksiyon ng buong pelikula ni De Leon.

Itim
Ang paskil ng Itim
DirektorMike De Leon
PrinodyusSeverino Manotok
SumulatClodualdo Del Mundo, Jr.
Gil Quito Ricky Lee
Itinatampok sinaCharo Santos
Tommy Abuel
MusikaMax Jocson
SinematograpiyaRody Lacap
Ely Cruz
In-edit niIke Jarlego, Jr.
TagapamahagiCinema Artists, Pilipinas
Inilabas noong
1976
BansaPilipinas
WikaFilipino

Ito ay nanalo ng kauna-unahang gawad sa pinakamahusay na sinematograpiya sa Gawad Urian.[1]

Mga tauhan

baguhin

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Charo Santos Teresa
Tommy Abuel Jun Torres
Mario Montenegro Dr. Torres
Mona Lisa ina ni Teresa
Susan Valdez Rosa
Moody Diaz Aling Bebeng
Sarah K. Joaquin espiritista

Buod ng pelikula

baguhin

Isang binatang potograpo, Jun Torres (Abuel), ay nakatagpo ng isang kakatwang babae, Teresa (Santos), sa kanyang tinubuang bayan sa kapanahunan ng Mahal na Araw. Naging magkaibigan sila. Kapwa ay napukaw-suri sa mga pabalik-balik na maliw ni Teresa sa kakaibang kilos, kung saan nawalan ng kontrol si Teresa. Kapiling ang ina (Lisa) ni Teresa, sila ay humingi ng tulong sa isang espiritista. Isiniwalat ito na si Teresa ay sinaniban ng kaluluwa ng kanyang kapatid na si Rosa (Valdez), na namatay sa ilalim ng mga misteryosong pangyayari. Unti-unti, nalutasan ang suliranin nang ang kaluluwa, sa pamamagitan ni Teresa, ay nagpahayag ang kanyang malungkot na kuwento: Ang ama ni Jun, Dr. Torres (Montenegro), na nagkaroon ng patagong relasyon kay Rosa, ay pinilit siya na ilaglag ang kanilang bata. Nang isinalysy ng kaluluwa ang kanyang salaysay, hiningan ni Rosa ang kanyang paghihiganti: nahulog ang ama sa hagdanan at namatay.[1]

Ang pelikulang ito ay nakuha sa lokasyon ng San Miguel, Bulakan, na mapagmahal na napasok sa pelikula. Si De Leon ay binigyan ng liwanag sa pelikulang ito, at matagumpay niyang ipinalabas na gaanong nag-uugnay ang pangkatutubong pamahiin, relihiyon, pagka-ispirituwal at ang kaalamang lihim sa kulturang Pilipino.

Pagsususuri ng pelikula

baguhin

Ang pelikulang mismo ay iba sa ibang mga pelikula ng panahong iyon sa paraang walang galit, radikal na panlipunang mensahe. Ang kuwento ay nakatutok sa mga tikhang paranormal, tulad ng mga bibit at sanib pangkaluluwa.

Ipinapakita ng pelikulang ito ang kahusayang teknikal sa makabagong sinematograpiya nito at nakakikilabot na paglalapat ng musika.

Mga gawad

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1977
Nanalo
Pinakamahusay na Sinematograpiya
Ely Cruz
Rody Lacap

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Mel Chionglo

Pinakamahusay na Tunog
Luis Reyes
Ramon Reyes
Sebastian Sayson
Nanomina
Pinakamahusay na Direktor
Mike De Leon

Pinakamahusay na Pelikula
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1977
Nanalo
Pinakamahusay na Sinematograpiya
Ely Cruz
Rody Lacap

Pinakamahusay na Editing
Ike Jarlego, Jr.

Pinakamahusay na Musika
Max Jocson

Pinakamahusay na Tunog
Luis Reyes
Ramon Reyes
Sebastian Sayson
Nanomina
Pinakamahusay na Pangunahing Aktres
Charo Santos
Mona Lisa

Pinakamahusay na Direksiyon
Mike De Leon

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Mel Chionglo

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Clodualdo Del Mundo Jr.
Gil Quito

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Mario Montenegro

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Moody Diaz

Pinakamahusay na Pelikula

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 L. Sicat, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 167

Mga panlabas na kawing

baguhin