Itlog (pagkain)
Nakakain ang mga tao ng mga itlog ng hayop sa loob ng libu-libong taon.[1] Pagsapit ng 1500 BCE, pinaamo ng mga tao sa Timog-silangang Asya ang mga manok, at kinukuha ang kanilang itlog para makain.[2] Pinakakinakain ang mga itlog ng ibong labuyo, lalo na mga manok. Kinakain din ang mga itlog ng ibang ibon, katulad ng ostrits at iba pang mga ratido, ngunit hindi gaanong karaniwan kumpara sa itlog ng manok. Maaari ring kainin ng mga tao ang mga itlog ng reptilya, ampibyo, at isda. Tinatawag na bihud ang mga itlog ng isda na kinakain.
Binubuo ang mga itlog ng ibon at reptilya ng balat na pamprotekta, albumen (puti), at vitellus (apyak o pula), na nakapaloob sa mga maininipis na lamad. Mainam na mapagkukunan ng protina at kolina ang mga apyak at buong itlog,[3][4] at madalas gamitin sa pagluluto. Kahit masustansiya ang mga itlog, may mga potensiyal na isyung pangkalusugan dahil sa nilalamang kolesterol, kontaminasyon ng salmonella, at alerhiya sa protina ng itlog.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Kenneth F. Kiple (2007), A Movable Feast: Ten Millennia of Food Globalization [Isang Handaang Magagalaw: Sampung Milenyo ng Globalisasyon ng Pagkain] (sa wikang Ingles), pa. 22.
- ↑ Peters, Joris; Lebrasseur, Ophélie; Irving-Pease, Evan K.; Paxinos, Ptolemaios Dimitrios; Best, Julia; Smallman, Riley; Callou, Cécile; Gardeisen, Armelle; Trixl, Simon; Frantz, Laurent; Sykes, Naomi; Fuller, Dorian Q.; Larson, Greger (14 Hunyo 2022). "The biocultural origins and dispersal of domestic chickens" [Ang pinagmulang biyokultural at pagpapakalat ng mga domestikadong manok]. Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 119 (24): e2121978119. doi:10.1073/pnas.2121978119.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Agricultural Marketing Service (1995). "How to Buy Eggs" [Paano Bumili ng Itlog]. Home and Garden Bulletin (sa wikang Ingles). United States Department of Agriculture (USDA) (264): 1.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Howe, Juliette C.; Williams, Juhi R.; Holden, Joanne M. (Marso 2004). "USDA Database for the Choline Content of Common Foods" [Database ng USDA para sa Nilalamang Kolina ng mga Karaniwang Pagkain] (PDF) (sa wikang Ingles). United States Department of Agriculture (USDA): 10. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong Disyembre 5, 2010.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)