Marpil

(Idinirekta mula sa Ivory)

Ang marpil o garing (Ingles: ivory) ay isang uri ng matigas at maputing sustansiyang mula sa mga ngipin at pangil (salimao) ng mga gadya, hipopotamus, walrus, mamot at narwhal.[1]

Ika-11 siglong Italyano na inukit na tusk ng elepante, Louvre.

Ang kulay ng marpil ay depende sa gulang ng pinagkunang hayop. Sa mga batang hayop, ito ay may pagkaberdeng puting kulay habang sa mga matatandang hayop, ang marpil ay halos mapuputi.[2]

Ito rin ay ginagamit sa pag-ukit. Karamihan ng mga magagandang inukit na marpil ay ang mga gawa ng Europeo noong mga ika-15,16,at 17 na siglo, at gawa ng mga Tsino noong panahong Dinastiyang Ming.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. 2.0 2.1 Encyclopaedia Apollo Volume VII (1971), McGraw-Hill Far Eastern Publishers (S) Ltd., 1971


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.