Si Arthur John Johnson (Marso 31, 1878 – Hunyo 10, 1946), mas kilala bilang Jack Johnson at binansagang "Galveston Giant", ay isang Amerikanong boksingero at itinuturing na pinakamagaling na boksingerong may mabigat na timbang (heavyweight) sa kanyang salinlahi. Siya ang unang itim na Kampeon sa May Mabigat na Timbang sa Mundo (1908-1915). Sa isang dokumentaryong hinggil sa kanyang buhay, tinala ni Ken Burns na "Sa loob ng tatlumpung taon, si Jack Johnson ang pinakasikat, at pinakamabagsik na Aprikanong Amerikano sa Mundo". [1][2]

Ang boksingerong si Jack Johnson.

Sanggunian

baguhin
  1. Salin mula sa Ingles na: "For more than thirteen years, Jack Johnson was the most famous, and the most notorious African-American on Earth".
  2. Ken Burns, Unforgivable Blackness

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.