Si Jacob Koppel "Jack" Javits (Mayo 18, 1904 – Marso 7, 1986) ay isang politikong Senador ng Estados Unidos mula New York magmula 1957 hanggang 1981. Bilang isang liberal na Republikano, orihinal na kaanib siya ni Gobernador Nelson A. Rockefeller, kasamang mga senador na sina Irving Ives at Kenneth Keating, at alkalde ng Lungsod ng New York na si John V. Lindsay.

Si Jacob K. Javits.

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak Javits sa Lungsod ng New York. Bilang isang pinuno ng mga liberal na politiko sa Partidong Republikano ng Estados Unidos, nagsimula ang kanyang karera bilang isang abogado ng paglilitis makaraang magtapos ng pag-aaral mula sa Paaralan ng Batas ng Pamantasan ng New York (New York University o NYU). Bilang isang kongresista sa loob ng apat na taon mula 1947 hanggang 1955, nahalal si Javits sa Senado noong 1956, noong 1962, noong 1968, at noong 1974.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Javits, Jacob Koppel". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), titik J, pahina 311.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.