Jacqueline Mutere
Si Jacqueline Mutere ay isang aktibista ng karapatan sa kababaihan sa Kenya at siyang tagapagtatag ng Grace Agenda, isang organisasyon na nagbibigay ng tulong at pagpapayo sa mga biktima ng panggagahasa sa Kenya. Si Mutere ay miyembro din ng National Victims and Survivors Network, isang samahan na naglalayong ituloy ang reparations agenda ng Truth, Justice and Reconciliation Commission (TJRC).
Jacqueline Mutere | |
---|---|
Mamamayan | Kenya |
Trabaho | Women's rights activist |
Organisasyon | Grace Agenda |
Aktibismo
baguhinOrihinal na itinatag ni Mutere ang Grace Agenda noong 2010 upang suportahan ang mga anak ng mga biktima ng panggagahasa noong 2007-2008 sa Kenya pagkatapos ng halalan, pagkatapos niyang maranasan ang karahasang sekswal sa panahon ng kaguluhan. Ilang sandali lamang matapos buuhin ang organisasyon, napagtanto ni Mutere na maraming mga ina ng mga batang ito ang nangangailangan ng isang ligtas na lugar upang pag-usapan ang kanilang trauma, at sa pamamagitan ng pagbibigay sa outlet na iyon, mas kaunting mga ina ang makakapagpasa ng kanilang trauma sa kanilang mga anak.
Nakatuon din si Mutere sa pamimilit sa gobyerno ng Kenya na sundin ang pangako nitong mamamahagi ng higit sa US $ 100 milyong halaga ng reparations sa mga nakaligtas sa panggagahasa noong kaguluhan noong 2007-2008. Kasama sa mga pagsisikap na ito ang isang mapayapang martsa upang maipadala ang isang petisyon sa senado ng Kenya na paalalahanan ang mga miyembro nito tungkol sa mga pangako na ginawa nila para sa mga kababaihang nakaligtas sa insedente ng panggahasa.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑
"Jaqy Mutere – A Steadfast Voice for Women Battling Shame and Stigma in Kenya". ICTJ. 30 April 2019. Nakuha noong 9 March 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑ Berkley Center for Religion, Peace and World Affairs. "Jacqueline Mutere". berkleycenter.georgetown.edu (sa wikang English). Nakuha noong 2021-03-09.
- ↑ "Meet 3 heroic mothers building a better world against the odds". Global Citizen (sa wikang French). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-07-15. Nakuha noong 2021-03-09.