Jacques-Louis David
Si Jacques-Louis David ( Pranses: [ʒaklwi david] ; 30 Agosto 1748 - 29 Disyembre 1825) ay isang Pranses na pintor na gumagamit ng istilong Neoclassical, at ang itinuturing na pinakatanyag na pintor sa panahong iyon. Noong 1780s, ang kanyang tatak na tserebral ng pagpipinta sa mga makasaysayang pangayayari ay nagmarka ng pagbabago sa lasa mula sa mga hindi kaangkop-angkop na mga Rococo tungo sa klasismong kagandahan, kalubhaan at mas mataas na pakiramdam,[1] na umaayon sa moral na klima ng mga huling taon ng Ancien Régime.
Talambuhay
baguhinSi David ay pinanganak sa Paris sa isang maharlikang pamilya. Namatay ang kanyang ama sa isang dwelo at ang kanyang ina ay walang magawa kundi ipaalaga siya sa kanyang mga maykayang mga tiyuhin. Kahit na si David ay nakapag-aral sa isang desenteng paaralan, naging hadlang sa kanya ang kapansanang tumor sa mukha kung saan hindi siya gaanong nakakapagsalita ng maayos. Naging estudyante siya ni Jean-Marie Vien, kung saan sinundan niya hanggang Roma kung saan si Vien ay naging direktor ng French Academy. Sa Roma, naging mahusay si David sa pagpinta sa istilong Klasikal at dahil dito, naayawan niya ang eskwelahan ni Francois Boucher at muling binuhay niya ang paggamit ng mga bagay na Klasikal sa sining.[2]
Ang unang ipininta ni David ay ang kanyang obrang "Blind Belisarius Asking Alms" kung saan ito ay pinuri ng mga kritiko. Pumasok siya sa Academe Royale de Peinture et de Sculpture noong 1783, at naging court painter para kay Louis XVI. Pero, sa kasamaang palad, isa siyang Republikano. Noong Rebolusyong Pranses, bumoto si David na may kagustuhan sa Konbensyon at sa kamatayan ng hari. Ang kanyang mga pininta sa panahong ito ay ang, "The Tennis Court Oath" at ang "The Death of Marat". Noong panahong ng pamumuno ni Napoleon, ipininta niya ang " The Coronation of Napoleon and Josephine", "The Distribution of the Eagles", at "Napoleon on Horseback".[2]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ Matthew Collings. "Feelings". This Is Civilisation. Panahon 1. Episode 2. 2007.
{{cite episode}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Encyclopaedia Apollo (1971), McGraw-Hill Far Eastern Publishers (S) Ltd.