Jaflong
25°09′48″N 92°01′03″E / 25.163383°N 92.017524°E
Ang Jaflong (Sylheti: ꠎꠣꠚꠟꠋ) ay isang istasyon ng burol at destinasyong panturista sa Dibisyon ng Sylhet, Bangladesh. Matatagpuan ito sa Gowainghat Upazila ng Distrito ng Sylhet at nakatagpo sa hangganan ng Bangladesh at ang Indyanong estado ng Meghalaya, na nililiman ng mga bundok-subtropikal at kagubatan. Kilala ang Jaflong dahil sa mga koleksyon ng bato nito, at tahanan ito ng tribong Khasi.[1][2]
Heograpiya
baguhinIsang lugar panturista ang Jaflong sa dibisyong Sylhet. Ito ay halos 60 km mula sa bayan ng Sylhet at kailangan ng dalawang oras na biyahe upang makarating doon. Matatagpuan ang Jaflong sa gitna ng mga hardin ng tsaa at mga burol. Matatagpuan ito sa tabi ng ilog Sari sa lap ng Burol Khashia.
Mga atraksyon
baguhin- Koleksyon ng mga gumugulong na bato
- Makulay na buhay-tribo
- Khasia Rajbari (palasyo ng hari)
- Ilog Dauki at Piyain[3][4]
- Hardin ng Tsaa
- Hardin ng mga kahel at langka
- Hardin ng ikmo at mani ng areka
- Dauki Bazar
Paghugot ng bato
baguhinInookupahan ng mga mang-aagaw ng lupain ang lupaing khas ng gobyerno at kagubatang nakareserba at hinugot ang mga bato sa pamamagitan ng paggupit ng maliliit na burol na dumudungis sa kapaligiran ng Jaflong. Nagtatag din sila ng mga gilingan sa kagubatan na walang pahintulot mula sa pamahalaan.[5]
Programang sagubat
baguhinNoong unang bahagi ng 2005, napagmasdan ni Laskar Muqsudur Rahman, Kinatawang Konserbator ng Mga Gubat, Dibisyon ng Gubat Sylhet, na nasa panganib ang Jaflong na narinig niya sa kanyang kabataan bilang ang 'baga' ng Dakilang Sylhet dahil sa pag-aagawan at pagtatatag ng mga hindi pinahintulutang gilingan ng bato. Gumawa siya ng mga hakbangin upang mabawi ang lupain at magtatag ng parkeng panlibangan at pambotanikong na pinangalanang 'Jaflong Green Park [Luntiang Liwasan ng Jaflong]'. Inilatag ang unang batong pundasyon para sa Luntiang Liwasang pampakay sa Jaflong ni Laskar Muqsudur Rahman, Kinatawang Konserbator ng Mga Gubat noong 2005 sa pakikipagtulungan ng mga lokal na kawani ng kagubatan na pinamumunuan ni Tanod-Gubat Mohammad Ali. Gayunpaman, naging isang mapaghamong gawain ito sa simula dahil sa mga salungatang lokal at mga hadlang sa pamamaraan. Sinimulan ang programang sagubat sa Luntiang Liwasan ng Jaflong sa ilalim ng pangangasiwa ng magkasamang puwersa, Pundasyon ng Jaflong at Kagawaran ng Kagubatan. Nagsisihawak sila ng programang sagubat na may halos 100 hektarya ng inagaw na lupa. Sa ilalim ng programang sagubat, itinatanim sa liwasan ang iba't ibang uri ng mga puno, kabilang ang hibridong Akash-moni, upang mapanatili ang balanse ng ekolohiya.[6]
Galerya
baguhin-
Pagkokolekta ng Mga Bato
-
Mga Barko
-
Mga Barko
-
Bukal papunta sa Jaflong
-
Daan papunta sa Jaflong
-
Ibinebentang batong Quern sa Jaflong
-
Hardin ng Tsaa sa Jaflong
-
Mga Barko
-
Mga Bahay ng Tribong Khasia
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Sylhet:Places of interest". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-01. Nakuha noong 2019-05-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Banglapedia
- ↑ Masud Hasan Chowdhury, "Piyain River", Banglapedia
- ↑ Kazi Matinuddin Ahmed, "Dauki River", Banglapedia
- ↑ "Stone-crushing at Jaflong creates health hazards". New Age. 2006-02-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2007-08-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Afforestation programme in Jaflong Green Park begins". New Age. 2007-07-02. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2007-08-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
baguhin- Biodiversity of Jaflong
- Jubilant at Jaflong. The Daily Star