Jairo
Ayon kay Jose C. Abriol, ang pinunong tinutukoy sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 9:18) ng Bagong Tipan ng Bibliya ay isang pinuno ng sinagogang nagngangalang Jairo[1] (Hebreo: יאיר, Ya'ir, nangangahulugang "pinagliwanag ng Diyos") Sa Lumang Tipan, mayroon ding isang lalaking tinatawag na Jairo (o Jair) na nagmula sa Gilead (Tribo ni Manases), silangan ng Ilog ng Hordan, na nagsilbing hukom ng Israel sa loob ng dalawampu't dalawang mga taon, pagkaraan ng kamatayan ni Tola. Nasa Gilead ang kanyang mana, sa pamamagitan ng guhit ng kalahian ni Machir, ang anak na lalaki ni Manases. Anak na lalaki si Jairo ni Segub, ang anak na lalaki ni Hezron ang Hudyo sa pamamagitan ng anak na babae ni Machir (1 Mga Kronikulo 2). Ayon sa Aklat ng mga Hukom (Mga Hukom 10:3-5), nagkaroon ng tatlumpung mga lalaking anak si Jairo, na sumakay sa tatlumpung mga asno, at may tatlong mga "lungsod" sa Gilead na nakilala bilang Havoth-Jair. Lumilitaw lamang ang salitang chawwoth ('mga kampong kubol') sa ganitong diwa (Mga Bilang 32:41; Deuteronomio 3:14; Mga Hukom 10:4), at isang pamanang salitang nananatili mula maagang yugtong nomadiko ng kulturang Hebreo. Iminumungkahi ni W. Ewing na maaaring kaugma ng Kamon ang Kamun na kinuha ng haring Seleucida na si Antiochus III, sa kanyang pagmamartsa mula sa Pella papunta sa Gephrun (Polybius Aklat V.70:12). Namatay si Jairo ng Lumang Tipan at inilibing sa Kamon.
Kabilang sa mga paghango sa pangalang ito ang Yair, Yahir, at Ya'ir
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Jairo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 18, pahina 1444.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.