James Calata
Si Reberendo James Arthur Calata (ipinanganak sa Debe Nek, King Williamstown noong 22 Hulyo 1895 - namatay sa Cradock noong 16 Hunyo 1983) ay isang paring Angglikano at aktibistang pampolitika na naging Sekretaryo-Heneral ng Pambansang Kongreso ng Aprika (African National Congress o ANC) noong dekada ng 1940: mula 1936 hanggang 1949.[1] Siya ang nagreorganisa ng Pambansang Kongreso ng Aprika, na bago ang pagiging Sekretaryo-Heneral ni Calata ay nagkaroon lamang ng maliit na tanda ng pagsulong. Si Calata ang nagpabago ng Kongresong ito upang maging isang malakas na partidong makabayan o nasyunalista.[2]
James Calata | |
---|---|
Kapanganakan | 22 Hulyo 1895
|
Kamatayan | 16 Hunyo 1983
|
Mamamayan | Timog Aprika |
Trabaho | politiko |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Rev. James Arthur Calata, South African History Online.
- ↑ Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "WHO FORMED THE AFRICAN NATIONAL CONGRESS?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 40.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.