Si James David Rodríguez Rubio (ipinanganak noong 12 Hulyo 1991), kadalasang kilala bilang si James Rodríguez (pagbigkas sa wikang Kastila: [ˈxames roˈðɾiɣes]) o James (HAHM-ess) lamang,[1] ay isang Kolombiyano na propesyunal na manlalaro ng futbol, na naglalaro para sa koponang Kastila na Real Madrid at sa pambansang koponan ng futbol sa Colombia, bilang isang sumusugod na midfielder o isang winger.

James Rodríguez
Personal na Kabatiran
Buong PangalanJames David Rodríguez Rubio
Petsa ng Kapanganakan (1991-07-12) 12 Hulyo 1991 (edad 33)
Lugar ng KapanganakanCúcuta, Colombia
Taas1.80 m (5 ft 11 in)
Puwesto sa LaroAttacking midfielder / Winger
Kabatiran ng Club
Kasalukuyang Koponan
Real Madrid
Numero10
Karerang pang-Youth
1995–2007Envigado
Karerang Pang-senior*
Mga TaonTeamApps(Gls)
2007–2008Envigado30(9)
2008–2010Banfield42(5)
2010–2013Porto63(25)
2013–2014Monaco34(9)
2014–Real Madrid26(12)
Pambansang Koponan
2007Colombia U1711(3)
2011Colombia U205(3)
2011–Colombia32(12)
* Ang mga appearances at gol sa Senior club ay binilang para sa pang-domestikong liga lamang at tama noon pang 19:57, 2 May 2015 (UTC).

† Mga Appearances (gol)

‡ Ang mga National team caps at gol ay tama noong pang 19:31, 18 November 2014 (UTC)

Kalimitang itinatalá si James bilang isa sa mga pinakamahuhusay na batang manlalaro sa buong daigdig.[2][3][4] Nakatanggap na siya ng maraming papuri dahil sa kanyang mga taktika, sa kakayahan nito sa pagtingin, at sa paglalaro, at tinutukoy ring susunod sa yapak ng kanyang kababayang si Carlos Valderrama.[3][5][6]

Naging tanyag si James sa Europa noong panahon ng paglalaro niya sa koponang Porto, at nagwagi na ng maraming tropeo at natatanging mga parangal sa loob ng tatlong taon niya sa koponan. Noong 2014, lumipat si James mula sa koponang Monaco patungo sa Real Madrid sa halagang €80 milyon, dahilan upang siya'y maging pinakamahal na Kolombiyano sa kasaysayan, higit pa kay Radamel Falcao, at isa sa mga pinakamahal na mga manlalaro ng futbol.[7]

Ang kanyang pananaig sa pambansang koponan ng futbol sa Colombia ay nagsimula sa dibisyon ng U-20 ng kanilang pambansang koponan, kung saan siya ang kapitán ng nagwaging bahagi ng Torneong Toulon. Kinalauna'y naging kapitán din siya ng koponang U-20 noong 2011 FIFA U-20 World Cup, kung saan kinalauna'y nagdala sa kanya sa pagiging regular sa senior squad sa edad na 20. Napili siyang maglaro para sa 2014 FIFA World Cup, kung saan napanalunan niya ang Golden Boot bilang nangungunang taga-iskor ng goal at naging bahagi ng All Star Team.[8][9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Das, Andrew (28 Hun 2014). "World Cup 2014: James Rodríguez Leads Colombia Over Uruguay". The New York Times. Nakuha noong 30 Hun 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Worswick, Carl (27 Hun 2014). "James Rodríguez: the meteoric rise of a new Colombian football superstar". The Guardian. Nakuha noong 30 Hun 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Rodriguez: I've got a lot to learn". FIFA.com. 20 Ago 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2012. Nakuha noong 19 Ene 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The 100 best footballers in the world". The Guardian. 20 Dis 2012. Nakuha noong 19 Ene 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "World Cup 2014: Chief conductor James Rodriguez looking to lead as Colombia face Uruguay". The Mirror. Nakuha noong 1 Hul 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Carlos Valderrama: Colombia star James Rodriguez is the new me!". Daily Mail. Nakuha noong 30 Hun 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "James Rodriguez: Real Madrid sign Monaco forward". BBC. Nakuha noong 22 Hul 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Messi, Neuer heralded as Brazil 2014's best". FIFA.com. 13 Hul 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Marso 2018. Nakuha noong 13 Hul 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-12. Nakuha noong 2015-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)