Jan Ernst Matzeliger
Si Jan Ernst Matzeliger (15 Setyembre 1852 – 24 Agosto 1889) ay isang Aprikano-Amerikanong imbentor sa larangan ng industriya ng sapatos.
Jan Ernst Matzeliger | |
---|---|
Kapanganakan | 15 Setyembre 1852
|
Kamatayan | 24 Agosto 1889[1]
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Matzeliger sa Paramaribo (dating Guyanang Olandes; Suriname na ngayon). Isang inhinyerong Olandes ang kanyang ama at aliping itim mula sa Suriname naman ang kanyang ina. Nagkaroon siya ng ilang pagkagusto sa mekaniks sa kanyang pinagmulang bansa, subalit nagsimula ang kanyang pagpapagod sa pag-imbento ng isang makinang panggawa at pampatibay ng sapatos (ang "shoe-lasting machine" o "makina ng nagtatagal na sapatos") sa Estados Unidos makaraang mamuhay bilang isang manggagawa sa isang paggawaang may makina. Nanirahan siya sa Philadelphia, Pennsylvania noong 19 taong gulang na makalipas na magtrabaho bilang isang mandaragat. Pagsapit ng 1877, nakapagsalita na siya ng may kasapatang Ingles at lumipat sa Massachusetts. Pagkaraan ng limang taong paghahanapbuhay, naikuha niya ng patente ang kanyang imbensiyon noong 1883.[2]
Pinabilis ng kanyang makina ang produksiyon ng sapatos. Sa dati, sa pamamagitan ng sariling mga kamay lamang, nakagagawa ang isang tao ng 50 pares ng mga sapatos sa loob ng isang araw, subalit nakagagawa ang kanyang makina ng may mga 150 hanggang 700 pares ng sapatos sa isang araw. Pinababa rin ng kanyang makina ng kalahati ang halaga ng sapatos sa buong bansa. Sa kabila nito, ang magkahalong pagkamatay niya sa Lynn, Massachusetts dahil sa tuberkulosis at iba pang mga bagay-bagay, ay nangahulugan hindi niya nakita mapagkailanman ang kabuoang kainaman ng kanyang imbensiyon. Bilang pagkilala sa kanyang nagawa, pinarangalan siya sa isang selyo noong 15 Setyembre 1991.[3]
Mga patente
baguhin- 274,207, 3/20/1883, Kusang pamamaraan para sa pagpapatibay ng mga sapatos
- 421,954, 2/25/1890, Makinang pamako
- 423,937, 3/25/1890, Mekanismong panghiwalay ng mga maliliit na pako (pakong uluhan) at pampamamahagi
- 459,899, 9/22/1891, Makinang nagpapatibay
- 415,726, 11/26/1899, Mekanismo sa pagpapamahagi ng mga malalaki at maliliit na pako, atbp.
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 https://dbnl.nl/auteurs/auteur.php?id=matz001; hinango: 15 Setyembre 2020.
- ↑ Pamantasan ng Houston
- ↑ "Inventor of the Week" MIT
Panlabas na mga kawing
baguhin- Patnubay sa Kasaysayan ng mga Itm ng Encyclopædia Britannica
- Paglalarawan kay Jan Matzeliger Naka-arkibo 2013-05-18 sa Wayback Machine. - Museo ng Itim na Imbentor