Si Jason Derülo (ipinanganak 21 Setyembre 1989) ay isang Amerikanong mang-aawit at aktor. Pagkatapos niyang gumawa ng ilang produksiyon para sa ilang mga artista at sa pagsulat ng mga awit para kay Birdman, ang isa sa mga nagtatag ng Cash Money Records, kay Lil Wayne na may-ari ng Young Money Entertainment, at sa rapper na si Diddy, siya ay lumagda sa isang maliit na recording label, ang Beluga Heights. Nang maging bahagi ng Warner Music Group ang Beluga Heights, nilabas ni Derulo ang kanyang unang single, ang Watcha Say. Ang awit ay naging isang malaking tagumpay, na nakabenta ng mahigit sa 2 milyong kopya, upang makakuha ito ng 2x platinum na sertipikasyon mula sa RIAA, at naabot nito ang #1 sa Estados Unidos, Nagkakaisang Kaharian, at sa ilang pang mga bansa. Sinundan ito ni Derulo ng "In My Head".

Jason Derülo
Jason Derulo at KISS FM Chicago's Coca Cola Lounge 2010, photo by Adam Bielawski
Jason Derulo at KISS FM Chicago's Coca Cola Lounge 2010, photo by Adam Bielawski
Kabatiran
Kapanganakan (1989-09-21) 21 Setyembre 1989 (edad 35)
PinagmulanMiami, Florida, Estados Unidos
GenreR&B, hip hop, pop
Trabahomang-aawit, kompositor, mananayaw, choreographer, aktor
Taong aktibo2009—kasalukuyan
LabelWarner Bros.
Websitejasonderulo.com

Mga Sanggunian

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin