Javier (apelyido)
apelyido
(Idinirekta mula sa Javier (pangalan))
Ang Javier (binibigkas na [xaˈβjeɾ]) ay Kastilang baybay ng panlalaking pangalan na Xavier.[1] Hinango ang pangalan mula sa santong Katoliko na si Francisco de Javier, kung saan tinutukoy ang Javier sa lugar ng kapanganakan ni Francisco. Ang lugar ng kapanganakan ay may ugat sa wikang Basko, na ayon sa etimolohiyang pinagmulan nito na salitang etxaberri (etxe berri sa pamantayang baybay) ay nangangahulugang "kastilyo" o "bagong bahay".[2]
Ginagamit ang pangalang Javier bilang isang apelyido ng ilan sa kilalang mga taong tulad ng mga sumusunod:
- Danny Javier, Pilipinong mang-aawit, kompositor, aktor, host ng telebisyon at negosyante
- Patricia Javier, Pilipinang aktres
- Patrick Joseph Javier, politiko mula sa Pilipinas
- Dyords Javier, artista, mang-aawit, at "hip-hop rapper" sa Pilipinas
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Albaigès, Josep M.; Olivart, J.M.A. (1993). Diccionario de nombres de personas (sa wikang Kastila). Universitat de Barcelona. p. 148. ISBN 978-84-475-0264-6. Nakuha noong 15 Setyembre 2018.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Manuel, Yáñez Solana (c. 1995). El gran libro de los nombres : con una breve biografía de todos los santos y los personajes más famosos correspondientes a cada nombre (sa wikang Ingles). Madrid: M.E. Editores. ISBN 8449502322. OCLC 37613128.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)