Jazz

(Idinirekta mula sa Jazz Age)

Ang Jazz ay isang uri ng tugtugin o musikang naimbento sa Estados Unidos. Pinagsasama ng musikang Jazz ang Aprikano-Amerikanong musika at musikang Europeo. Nagsimula ang Jazz sa Estados Unidos noong kaagahan ng ika-20 daangtaon. Nagkaroon ito ng impluwensiyang pangtugtugin ng mga aliping Aprikano na dinala mula sa Aprika upang maghanapbuhay sa mga taniman ng katimugang Estados Unidos, katulad ng mga awiting "pagtawag at pagtugon" at mga notang bughaw, kilala sa Ingles bilang mga blue note. Mayroon din mga estilong Europeo ang musikang Jazz.

Panahon ng Jazz

baguhin

Ang Panahon ng Jazz o Kapanahunan ng Jazz (Ingles: Jazz Age) ay ang pangalan ng dekada ng 1920 batay sa katanyagan ng musikang jazz.[1] Isang tampok ng dekada ng 1920 ang Jazz Age (na nagwakas sa Ang Dakilang Depresyon) nang maging popular ang tugtuging jazz at sayaw. Partikular itong naganap sa Estados Unidos, ngunit nangyari rin sa Britanya, Pransiya, at iba pang mga lugar. Gumanap ng malaking bahagi ang jazz sa mas malawak na mga pagbabagong pangkultura noong kapanahunang iyon, at ang impluwensiya nito sa kulturang pop ay nagpatuloy nang matagal pagkalipas nito. Pangunahing nagmula ang musikang jazz mula sa New Orleans, at ito ay isang pagsasanib ng tugtuging Aprikano at Europeo. Ang Kapanahunan ng Jazz ay madalas na tinutukoy na kasama ang penomeno na tinutukoy bilang ang Roaring Twenties (literal na "Umaatungal na Dekada ng 1920" na ang diwa ay "Dumadagundong na Dekada ng 1920").

Mga sanggunian

baguhin
  1. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R124.