Juan Bautista ng La Salle
Si San Juan Bautista ng La Salle o Jean-Baptiste de La Salle (Abril 30, 1651, Reims–Abril 7, 1719, Saint-Yon, Rouen) ay isang Pranses na guro at repormador pang-edukasyong nagpalipas-buhay sa pagtuturo ng mga anak ng mga mahihirap.
Nagtatag si la Salle noong 1684 ng isang bagong orden, ang Institut des frères des écoles chrétiennes (o Institute of the Brothers of the Christian Schools sa Inggles, kilala rin bilang “La Salle Christian Brothers”, “ang La Salle Brothers”, o higit na madalas, the Christian Brothers, madalas naipaglilito sa isa pang ibang orden ng parehong pangalang itinatag ni Edmund Ignatius Rice. Ang mga kawani ni la Salle ang mga orihinal na kasapi.
Isang kapuna-punang pedagogical thinker si La Salle at isa rin siya sa mga tagapagtatag ng isang katangi-tanging modernong kaparaanan ng pagturo. Itinatag ni La Salle noong 1685 ang unang pangakaraniwang kinikilalang normal school—isang paaralang may layong magsanay ng mga guro—sa Reims.
Sa kasalukuyan, mga 6000 Brother at 65 000 lay and religious colleagues sa buong daigdig ang naninilbihan bilang mga guro, counselor, at gabay sa 800 000 mag-aaral sa higit 1000 institusyong pang-edukasyon sa 87 bansa, isinasagawa ang trabaho ng ng tagapagtatag sa ika-21 dantaon.
Kinanonisa siya ni Papa León XIII noong Mayo 24, 1900, at ipinagdidiwang ang kaniyang pista tuwing Mayo 15.
Mga lingk palabas
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.