Jean Charles Athanase Peltier
Si Jean Charles Athanase Peltier[1] ( /ˈpɛlti.eɪ/;[2] Pranses: [pɛlˈtje]; ipinanganak noong Pebrero 22, 1785 sa Ham – namatay noong Oktubre 27, 1845 habang nasa Paris) ay isang pisikong Pranses. Orihinal na siya ay isang mangangalakal ng relo, subalit sa edad na 30 ay nagsagawa siya ng mga eksperimento at mga obserbasyon sa larangan ng pisika.
Si Peltier ang may-akda ng maraming mga kasulatan hinggil sa iba't ibang mga sangay ng pisika, subalit ang kaniyang pangalan ay natatanging nakaugnay sa mga epektong termal na nasa salikupan ng isang sirkitong boltaiko.[3] Siya ang nagpakilala ng epektong Peltier. Siya rin ang nagpakilala ng diwa ng induksiyong elektroestatiko (1840), na nakabatay sa modipikasyon ng distribusyon ng kargang elektriko sa loob ng isang materyal na nasa ilalim ng impluwensiya ng isang pangalawang bagay na pinakamalapit dito at sa sarili nitong kargang kuryente. Ang epektong ito ay naging napaka halaga sa kamakailang pagkalikha at pagpapaunlad ng mga mekanismong pampalamig na hindi nakakapagdulot ng polusyon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Catalogue of the Wheeler gift of books, Tomo 2, ng American Institute of Electrical Engineers. Library, Latimer Clark, Schuyler Skaats Wheeler, Andrew Carnegie, William Dixon Weaver, Engineering Societies Library, Joseph Plass
- ↑ "Peltier effect". dictionary.reference.com (ayon sa editor: bagaman ang transkripsiyon ay dalawang pantig, ang rekording ay mas natural, na mayroong tatlo)
- ↑ A Handy Book of Reference on All Subjects and for All Readers, Bolyum 6. Pinatnugutan nina Ainsworth Rand Spofford at Charles Annandale. Gebbie Publishing Company, limitado, 1900. p341 (patnugot, Gebbie din, bersiyon noong 1902, p341