Si Jeffery Brian Burton Jeffrey Brian Burton (ipinanganak noong 29 Hunyo 1967 sa South Boston, Virginia) na kung minsan ay tinatagurian ding “JB” ay isang drayber ng NASCAR Nextel Cup Series. Siya ay nagmamaneho ng numero 31 AT&T Chevrolet para sa Richard Childress Racing. Siya rin ay nangangarera bilang part-time sa Busch Series. Si Jeff Burton ay ang nakakabatang kapatid ni Ward Burton na isa ring drayber ng Nextel Cup.

NASCAR career

baguhin

Busch Series

baguhin

Nakamit ni Burton ang kanyang unang Winston Cap race noong taong 1993 sa numero 0 TIC Financial Ford para sa Fil Martocci. 1994 ang unang taon ni Burton sa Winston Cup Series. Minaneho niya ang numero 8 na Raybestos Ford para sa koponan ng Stavola Brothers. Matapos ang panlimang karera, siya ay naitala sa ika-14 na puwesto sa pangkalahatang katayuan ngunit sa pagtatapos ng taon siya ay bumagsak sa ika-24 na puwesto matapos na siya ay madiskwalipika sa Miller Genuine Draft dahil sa illegal na butas na inihukay sa roll cage na malinaw na isang paglabag, Nakamit niya ang season-high na ika-apat na pwesto sa pangkalahatan patungo sa 1994 NASCAR Rookie of the Year. Siya ay isa sa mga sampung rookie o baguhan na pumasa para sa karangalan ng taon at dumaig sa grupo na kinabibilangan ng mga hinaharap na mga Cup stars na sina Joe Nemechek, Jeremy Mayfield, John Andretti at ang nakatatanda nitong kapatid na si Ward. Nang sumunod na taong 1995, si Burton ay may isang pagkabilang sa nangungunang lima at pati na rin ang pangsiyam na pwesto. Tatlong karera ang kanyang hindi nalaro at nagtapos siya na pang 32 sa puntos.

NEXTEL Cup

baguhin

1996-2001

baguhin

Noong 1996, nilisan ni Burton ang Stavola Brothers para sa Roush Racing. Sa pagmamaneho niya ng numero 99 Exide Batteries Ford para sa kanyang bagong koponan, nagtapos siya na pang 13 sa pangkalahatan ng season standing sa kabila na hindi siya nakapasa para sa Purolator 500 noong March bilang isang bagong koponan (ang probisyon para sa apat na karera ay base sa puntos noong 1995, ang koponan ni Burton ay hindi nakapagtala ng puntos noong 1995). Umabot sa rurok ang kanyang karera simula noong 1997 hanggang 2000 kung saan siya ay hindi bumaba mula sa ika-5 puwesto sa puntos. Natamo niya ang una niyang panalo noong 1997 kung saan siya ay nanguna sa Interstate Batteries 500 sa Texas Motor Speedway (ang inagurasyon ng NASCAR race sa Texas Motor Speedway) at nagpatuloy siyang nanalo ng 14 pang karera sa loob ng apat na taon. Noong 1999, si Burton ay nagwagi sa anim na karera kasama ang Jiffy Lube 300 sa loob ng tatlong taon at nakuha din niya ang dalawa sa apat na natatanging karera (Coca-Cola 600 at ang Annual Southern 500) na naging sanhi ng pagkatamo ng pang ika-limang puwesto sa puntos. Ang pinakamahusay niyang pagkakatala ng puntos ay noong taong 2000 kung saan siya ay napuwesto na pangatlo at mayroong 294 puntos sa likod ng kampiyon na si Bobby Labonte. Noong taon ding iyon, 17 Setyembre, pinangunahan niya ang Dura Lube 300 na inisponsor ng Kmart sa New Hampshire International Speedway kung saan siya ang unang drayber ng Cup na nanguna sa bawat lap sa isang karera magmula pa ng magawa ito ni Cale Yarborough noong 1978 race sa Nashville Speedway, USA. Simula ng 1997 hanggang taong 2000, si Burton ay nagwagi sa NHIS sa bawat taon. Nung sumunod na taon 2001, si Burton ay muling nagwagi ng dalawang karera na nagpataas sa kanyang pwesto sa ika-17 kung saan siya rin ay nagtapos na pangsampu base sa puntos.

2002-2004

baguhin

Noong taong 2002 at 2003, si Burton ay nagtapos sa pang- 12 pwesto at nagkaroon ng kombinasyon para sa 8 top-5s at 25 top-10s ngunit nabigo siya na manalo ng karera sa alinman sa nabanggit na taon. Nang ang sponsor na Citgo ay nagpahayag na ito ay aalis sa Rousch Racing sa katapusan ng 2003, si Burton ay tumakbo sa 2004 season na walang sponsor at ang tanging nag sponsor sa kanya ay ang kanyang personal sponsor na SKF. Lumabas ang bulung-bulungan na iiwan na ni Burton ang Rousch Racing. Matapos niyang itanggi ito, ang nasabing bulung-bulungan ay naganap sa kalagitnaan ng taong 2004 nang, bago pa man ang Sirius sa The Glen, si Burton ay pumirma ng 3-taong kontrata sa Richard Childress Racing (RCR) at nilisan niya ang Roush matapos ang walo at kalahating taon niya sa koponan. Ang ginamit niyang sasakyan hanggang sa pagtatapos ng laro ay ang numero 30 America Online Chevrolet. Bago pa ang nasabing pagbabago si Burton ay may pangkaraniwang record na 20.8 sa pagtatapos ng season at pang 23 sa puntos. Sa 13 karera matapos siyang magpalit ng koponan, ang kanyang statistika ay mas humigit pa kaysa sa dati sa pagkakaroon ng puwesto na 16.6 at pang 18 sa puntos. Sa offseason, si Burton at ang kanyang mga kasamahan ay nanatili sa RCR ngunit ipinalit sa numero 31 Cingular Wireless Chevy at pinalitan si Robby Gordon.

Ang taong 2005 ay isang pagsubok para kay Burton. Samantalang marami ang umaasam na tapusin na niya ang tag-tuyot sa panalo, ito ay hindi nangyari. Si Burton ay may 6 na top-tens at 3 top-fives ng taon kasama ang pangatlo sa Subway Fresh 500 sa Phoenix noong Abril. Noong katapusan ng Agosto, sa Sharpie 500 sa Bristol, si Burton ay masasabi na may pinakamahusay na kotse sa pagtatapos ng laps, ay naikid si Matt Kenseth. Nagdulot ito ng gulo kung saan nagkaroon ng green-white-checkered na pagtatapos kung saan si Burton ay naipit sa unahan ng 17 kotse ngunit hindi siya nakatawid. Siya ay nagtapos na pangalawa. Sa katapusan ng taon, pinayagan din ang koponan ng numero 31 Cingular at makapagpatuloy hanggang 2006.

Noong taong 2006, si Burton ay nanalo ng pole para sa apat na karera na nagbigay sa kanya ng kabuuang 6 na pole. Ang apat na panalo ng pole ay para sa Daytona 500, USG Sheetrock 400, Chicago Speedway, ang Brickyard 400, Indianapolis Motor Speedway at ang GFS Marketplace 400 at Michigan International Speedway. Bago pumasa sa Daytona 500, Si Burton ay lubhang masigasig tungkol sa pagbuti sa RCR sa kabuuan. Pinatunayan niya ito sa pagkakapanalo niya ng kanyang unang pole simula ng Setyembre ng taong 2000 sa Richmond. Ang Allstate pole ay nagbigay sa Richard Childress Racing sa unahang hanay nang ang kasamahan na si Clint Bowyer ay nagtala ng pangalawa na may pinakamabilis na oras. Ang pinakamahusay na pagtatapos ni Burton ay sa Chicago land race kung saan siya ay nagtala ng pangalawang puwesto. Pinangunahan niya ang halos karamihan ng laps sa Indianapolis at Sharpie 500 sa Bristol. Sa Busch Series, siya ay nanalo sa Atlanta Motor Speedway at Dover International Speedway na pumutol ng kanyang apat na taong kawalan ng panalo sa anumang serye. Pagkatapos ng karera sa Richmond International Raceway, si Jeff ay pumasa para sa Chase sa Nextel Cup. Noon sa Chase, si Burton ay nanalo ng Dover 400 para sa Dover International Speedway, na sumira sa 175 na karera na walang panalo simula pa noong 28 Oktober 2001 na nagbigay sa kanya ng puntos para manguna. Subalit, ang sunud-sunod na di magandang ipinakita sa mga sumunod na karera ay nagtanggal kay Burton mula sa paghahangad sa kampeyonato.

Noong 2007, si Jeff Burton ay nanalo ng Samsung 500 (Texas) noong 15 Abril 2007, habang maneho ang Prisolec OTC Chevrolet, nilagpasan si Matt Kenseth sa huling pinal na lap na kumilala sa kanya bilang unang drayber na nagkaroon ng maraming panalo sa Texas Motor Speedway.

AT&T sponsorship controversy
baguhin

Ang Cingular Wireless ay nagsimulang mag isponsor ng numero 31 Chevrolet sa serye ng NASCAR NEXTEL Cup bago pa ng taong 2004 nang binili ng NEXTEL ang karapatan sa pangalan ng nangungunang division NASCAR. Ang Cingular at Alltel, ang isponsor ng numero 12 Dodge na Ryan Newman ay pinayagan manatili bilang isponsor sa ilalim ng grandfather clause. Sa unang araw ng taong 2007 pagkatapos ng pagkabili dito ng AT&T, ang Cingular ay nagsimulang baguhin ang brand sa AT&T Mobility brand. Madaling sinabi ng NASCAR na nakasaad sa kontrata nila sa pagitan ng Sprint Nextel na hindi papayagan ang pagbabago nang alinman sa pangalan o brand na ipinapatalastas sa kotseng numero 31.

Matapos subukan at mabigo sa paghimok sa NASCAR na payagan ang pagkadagdag ng logo ng AT&T sa likod ng kotse, naghain ng demanda ang AT&T laban sa NASCAR noong 16 Marso 2007. Noong Mayo 18, nanalo ang AT&T ng preliminary injunction at kasunod ng bigong mosyon para sa pananatili ng NASCAR noong Mayo 19 ay pinaliatn nito ang numero 31 ng kotse kasabay ng Nextel All-Star Challenge noong gabing iyon. Di naglaon, ang NASCAR ay nabigyan ng pagkakataon na mapakinggan noong 2 Agosto 2007.

Noong 17 Hunyo 2007, ipinahayag ng NASCAR na sila ay naghain ng $100 milyong dolyar na demanda laban sa AT&T at nais nila na ang AT&T at lahat ng iba pang kompanya ng telekomunikasyon ay mawala sa larangan ng sport sa taong 2008. Mapapansin na ang karibal na kompanya, ang Alltel, ay nasa proseso ng pagbebenta dito.

Noong 13 Agosto 2007, ang alituntunin ng federal appeals court ay nagbigay daan sa NASCAR na pigilin ang AT&T mula sa paglunsad ng kanilang logo sa numero 31 Richard Childress Racing Chevrolet ni Jeff Burton. Ang federal appeal court ay ipinawalang bahala ang alituntunin ng mababang korte na pumipigil sa NASCAR na ipahinto ang mga plano ng AT&T. Ang korte para sa pag apila ay ibinaba ang kaso sa US District Court sa Atlanta.

Sa unang pagsasanay para sa Sharpie 500 sa Bristol Motor Speedway noong 24 Agosto 2007, ang numero 31 kotse ay walang tatak AT&T ngunit mayroong pamilyar na kulay kahel at itim na pintura. Ang mga tauhan ni Burton ay may suot na kulay abong kamiseta ng Richard Childress Racing at si Burton naman ay may suot na purong kulay kahel na fire suit na nagdidisplay lamang ng maliit na logo ng mga kasamahang isponsor. Dumating ang kotse sa isang itim na panghatak na mayroon lamang numero 31 sa gilid. Sinabi ng mga opisyal ng NASCAR na ang kotse ay hindi makakapasa sa inspeksiyon kung mayroong mga logo ng AT&T.

Noong 7 Setyembre 2007, ang NASCAR ay nagpahayag na nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Sprint Nextel at Richard Childress Racing na pinapayagan ang AT&T na magi sponsor sa numero 31 na kotse sa katapusan ng 2008 season. Sa ilalim ng kasunduan si Burton ay maghahanap ng bagong bagong isponsor sa taong 2009.

Truck Series

baguhin

Burton has 4 career Craftsman Truck Series starts, all of which came in 1996 for Roush Racing. In the #99 Exide Batteries Ford, Burton collected 1 top-5 and 3 top-10 finishes with a best finish of 4th at Nazareth Speedway.

Si Burton ay may apat na Craftsman Truck Series na nanggaling lahat mula noong 1996 sa Roush Racing. Sa numero 99 Exide Batteries Ford, si Burton ay kumolekta ng isang top-5 at 3 top-10 na pagtatapos kasama na ang pinakamahusay na pagtatapos sa ika-apat na puwesto sa Nazareth Speedaway.

References

baguhin


baguhin