Jeju-do

pulo sa Timog Korea

Ang Jejudo o Pulo ng Jeju ay ang pinakamalaking pulo ng Korea at ang pangunahing pulo ng Lalawigan ng Jeju ng Timog Korea. Nasa bandang Kipot ng Korea ang pulo, timog kanluran ng lalawigan ng Jeollanam-do. Mayroong templadong klima ang isla; kahit na tuwing taglamig, bihira lang pumalo ang temperatura na mababa sa 0°C (32°F).

Jejudo
Palayaw: Sammu-samda-do
Pulo ng di-tatlong uri at maraming tatlong uri
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Map Jeju-do.svg" nor "Template:Location map Map Jeju-do.svg" exists.
Heograpiya
LokasyonSilangang Asia
ArkipelagoJeju
Pamamahala
Timog Korea
Demograpiya
Populasyon583,284
Jeju-do
Hangul제주도
Hanja濟州島
Binagong RomanisasyonJejudo
McCune–ReischauerChejudo

Kasaysayan

baguhin

Mga Pangkasaysayang Pangalan

baguhin

Noong mga nagdaang panahon, tinawag ang pulo sa iba't ibang pangalan kabilang sa mga:

  • Doi (Hangul: 도이, hanja: , lit. "pulo barbaro")
  • Dongyeongju (Hangul: 동영주; hanja: 東瀛州)
  • Juho (Hangul: 주호, hanja: )
  • Tammora (탐모라, 耽牟羅)
  • Seomra (섭라, 涉羅)
  • Tangna (탁라, 乇羅)
  • Tamna (탐라, 耽羅)
  • Quelpart,[1][2] Quelparte[3] or Quelpaert Island[4]
  • Joonwonhado (준원하도, 준원下島 nangangahulugang katimugang bahagi ng tangway)
  • Taekseungnido (Hangul: 택승리도, nangangahulugang mapayapang mainit na pulo sa Joseon)

Pulo ng di-tatlong uri at maraming tatlong uri

baguhin

Nangangahulugan ito na orihinal itong binigyang-palayaw ang isla ng tripleng kasaganaan: Hangin, bato at kababaihan, at saka nagdagdag ito sa reputasyon sa katotohanang wala itong mga pulubi, magnanakaw, ni mga naka-kandadong tarangkahan.[5]

Bago ang panahon ng pagkasakop nito sa Hapon nong 1910, kadalasang kilala ang isla bilang Quelpart sa mga Europeo. Lumilitaw na nanggaling ang pangalan sa unang barkong Europeo na nakakita sa isla, ang Olandes na Quelpaert, na siyang nakakita roon habang papunta sa baseng pangkalakalan ng mga Olandes sa Nagasaki, Hapon, na nagmula pa sa Taiwan (na dating kolonyang Olandes na tinawag na Formosa). Nang maging bahagi ng Hapon ang Korea noong 1910, nakilala ang pulo bilang Saishū-tō, ang paraang Hapones ng pagbasa ng Hanja ng Jeju-do.

Bago ang taong 2000 noong itinatag ng pamahalaan ng Seoul ang opisyal na Binagong Romanisayon ng Koreano, nakabaybay ang Jejudo bilang "Chejudo". Halos lahat ng mga nakasulat na sanggunian sa pulong iyon dati ay gamit ang dating baybaying iyon.

Proseso ng Pagkakabuo

baguhin
  • Hakbang 1: Noong bandang 1.2 milyong taong nakalipas, nagsimulang sumabog ang magma na nabuo sa dagat.
  • Hakbang 2: Noong bandang 700,000 taong nakalipas, nabuo ang isang isla sa pamamagitan ng bulkanismo.

※ Pagkalipas ng ikalawang hakbang na aktibidad na pambulkan, walang naganap na ano mang bulkanismo sa loob ng halos 100,000 taon.

  • Hakbang 3: Noong bandang 300,000 taong nakalipas, nabuo ang isang baybaying dagat mula sa muling aktibidad na bulkanismo.
  • Hakbang 4: Noong bandang 100,000 taong nakalipas, nagkaroon ng aktibidad na pambulkan at doon nabuo ang Bundok Halla.
  • Hakbang 5: Noong bandang 25,000 taong nakalipas, ang mga pagilid na pagsabog sa palibot ng Bundok Halla ay nag-iwan ng maraming oreum.
  • Hakbang 6: Nahinto ang bulkanismo at nabuo ang Pulo ng Jeju mula sa matagalang pagka-bagbag at erosion.[6]

Galeriya

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "The Island of Quelpart". JSTOR 198722. {{cite web}}: Missing or empty |url= (tulong)
  2. "Quelpart Island and Its People". JSTOR 208503. {{cite web}}: Missing or empty |url= (tulong)
  3. "The Queen of Quelparte".
  4. "The Name of Quelpaert Island".
  5. "Jeju Island Facts".
  6. "제주특별자치도 자연환경생태정보시스템". nature.jeju.go.kr. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-07. Nakuha noong 2016-03-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin

Kawing Panlabas

baguhin
  •   May kaugnay na midya ang Jeju sa Wikimedia Commons

33°23′N 126°32′E / 33.38°N 126.53°E / 33.38; 126.53