Ang jenglot ay isang uri ng misteryosong nilalang o bampira sa kultura at mitolohiyang Indones. Tinutukoy iyon na halos isang maliit na buhay na taong manika. Kadalasan itong inilalarawan bilang nilalang na pang-mitikal, minsanan ding nakikita sa kriptosoolohiya, at paminsan-minsang binibigyang diwa na nanggaling na sa katawan ng isang tao. Tumutulad din ang anyo nito kay Medusa, isang tauhan sa Griyegong mitolohiya.

Mga Pinamumugaran

baguhin

Pinaniniwalaang makikita ang jenglot sa Indonesya, lalo na sa Java. Kadalasan silang natatagpuan ng mga katutubong saykiko pagkatapos nilang isagawa ang supernatural na seremonya. Sinasabi ring makikita kahit na saan ang mga jenglot, mula sa ilalim ng lupa, sa sirang bubong ng bahay, at kahit na sa tangkay ng isang malaking puno.

Pagpapakain sa Jenglot

baguhin

Pinapakain ng mga 'tagapangalaga' ng jenglot ang kanilang mga nilalang ng dugo, na maaaring galing sa dugo ng hayop (kambing) o dugo ng tao. Ang mga nagpapakain ng nilalang ng dugo ng tao bumibili pa nang legal sa Indonesian Red Cross. Sinasabing hindi umiinom nang direkta sa dugo ang jenglot. Nilalagay ng tao ang jenglot malapit sa dugo, pero hindi man lang gumagalaw o humahawak ng dugo ang jenglot. Sinasabi kasi na makukuha ng jenglot ang sustansiya ng dugo sa sarili nilang paraan. Sinasabi naman ng iba na nabubuhay iyon at iniinom ang dugo kapag nag-iisa lamang.

Pagiging Jenglot

baguhin

Ayon sa alamat na Indones, isang asetiko ang jenglot na nangnais na matuto ng "Ilmu Bethara Karang" o ang daan patungo sa buhay na walang hanggan. Sinasabi na ring isang ermitanyo na sumasamba sa mga demonyo at nagkakamit ng natatangi kapangyarihan at kakayahan. Sinasabi rin nila na magiging kapag nagnillay-nilay nang malalim sa isang yungib ang isang tao na may supernatural na kapangyarihan, siya ay magiging jenglot.

Tignan din

baguhin

Mga Kawing Panlabas

baguhin